Kamakailan lang napatambay kami sa isang kapihan sa may Makati. Biglaan ang lakad. Maganda talaga pag biglaan, natutuloy. Sa tingin ko isa ‘to sa masayang gabi na naranasan ko. Kinabukasan nun, naalala kong napag-usapan naming magkakasama si Odette Khan. Hindi ko alam kung bakit may kakaibang epekto sa amin si Odette Khan siguro dahil kaibigan namin sya. Sa totoo lang magaling siyang aktress. May malalim na boses, malaking katawan (na parang kayang kaya kang tirisin), matalim na mata (na kaya kang hiwain sa gitna, isang tinginan pa lang niya), may nakakatakot na pangalan (parang matatakot pati si Adolf Hitler), perpektong kontrabida, wala ka nang hahanapin pa. Naalala ko minsan may napanod ako na kung saan kailangan niyang turuan ang isang baguhan sa pagiging kontrabida na maging isang….uhhh. kontrabida. Si Odette Khan ang tumayong api. Pero ang resulta, umiyak yung baguhan, natakot sa aapihin niya. Isipin mo kaya isang araw, pano kung si Odette Khan ang tatayong ina mo, at ang karakter nya sa pelikula ay sya ring ugali nya sa totoong buhay. Ako? Iinom na lang ako ng solvent o kaya magla-laslas na lang ako ng pulso.

Alam ko nakakanood ka ng That’s Entertainment at GMA Supershow (na susundan ng Lovingly Yours, Helen) nung mga panahon na kasikatan nito. Nasubaybayan mo ang makasaysayang pagkahulog ni Kris Aquino sa Stage habang kumakanta para sa isang production number. Kung sa damit rin lang naman ang pag-uusapan, iniisip ko parin talaga hanggang ngayon kung ganun ba talaga ka-idolo ni Mike Velarde si Kuya Germs o talagang pareho lang sila ng taga-gawa ng damit? At sino? Sinong matinong tao ang gustong tawagin syang germs. Parang gusto ko na rin ata magpa-palit ng pangalan… Virus.

Naalala ko may segment dun yung mga lotlot at tina paner wannabe na gagawa sila ng skit upang ipakita kung kaya nga nilang umarte. May isang eksena kung saan kailangan nilang gayahin kasama ang mismong taga-“That’s.” Ang eksena? Bituing Walang Ningning. The famous “your-nothing-but-a-second-rate-trying-hard-coy-cat-with-water-all-over-the-face-scene.” Kinabahan ata at ang nasabi nya: "You are nothing but a trying hard, second-rate, copycat!" ‘Yon! Sabog!

Ang pinakahihintay ng lahat, yung Saturday Edition syempre. Kung saan naglalaban-laban ang Monday group hanggang Friday Groups sa pa-astigan ng palabas. Tang ina! At pag Linggo. Syempre ang GMA Supershow. Kung saan nandun ang mga pinantasya ko nung bata ako. Ang Bellestar Dancers. Hayup!

Anung sinabi ni Kris Aquino? Mas daig pa siya ni Kuya Germs. 7 times a week kung mapanood. Yun nga lang. Talo sya ni Manny Paquiao. Dahil sa dami ng commercial…