May isang bagay akong pilit na hinahanapan ng sagot. Ang tao ba ay sadyang manhid? O talagang naghahanap lang ito ng paraan para magmukha silang manhid? Pero bakit? Ayaw nila ng confrontation? Putang ina. Kailangan bang palaging ganon? Even if you let them show all the hints na galit ka, o inlove ka, parang wala pa rin. You get a level higher sa pagiging sweet or a level higher for being concern or a level higher for visibility, yet they will think na nakikipag-close ka lang unless na you will have a confirmation na may gusto ka nga sa kanya. Kung galit ka naman, gagawin mo na ang lahat ng paraan para makaiwas, sasabihin lang sayo, "bakit ang sungit mo?" Gusto mo na lang sabihin na "Putang ina mo! Galit ako, hindi mo ba nakikita? Tanga ka ba?"

Ang pagiging manhid ba ang back door? Yung alam mo na, escape path. Kung sa bagay, it's a way of being safe, safe dahil duwag ka na magkaroon ng confirmation sa sarili mo na hindi mo kaya i-handle yung situation. Ending? Makatakas ka nga naman sa problema. And you let the other person suffer what he or she feels. Kahit na sa isang banda, responsable ka pa rin kung bakit nararamdaman nya yon. Pakshet! Pakshet lahat kayong mga manhid! Mamamatay rin kayo!

Nakakatawa na may mga tao na manhid na rin sa sarili nilang nararamdaman. Or again, escape path lang rin nila 'to para lang makaiwas sa sangkatutak na problemang alam nilang kakaharapin nila. They know the hell what they really feel and yet they still deny it. Pero all the time kapag may kausap ng ibang tao, wala silang ibang bukambibig kundi yung mga sama ng loob at hinanakit nila sa towards dun sa taong "may kagagawan" ng kung anu mang nararamdaman nila, pero ang totoo, sila rin naman ang may kasalanan kung bakit nila nararamdaman ang bagay na 'yon. Ass!