One tumbler-full of homemade coffee, 8th stick of cigarette, Manila Sound music by Kala, typing this blog, well, this is life. Sa nagdaang dalawang araw, (Sabado at Linggo) may apat na taong nagsabi sa kin na patuloy ako sa paglapad. “Tang ina pare! Hiyang ka ha!” Pakshet! Kung dati parang wala akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao tungkol sa anung itsura ko, o sa kung gaano na ko kalapad, ngayon parang tinamaan na ata ako. Siguro dahil hindi normal at hindi ordinaryo ang sabihan ka ng apat na tao sa loob ng dalawang araw na lumalaki nga ako.

Isang kaluluwa ang nag-mungkahi sa akin na bakit hindi ko subukan na alisin ang KANIN sa sistema ko. Naalarma ako. Parang hindi ko ata kaya yun. Pilipino ako e. Pakiramdam ko pag tinalikuran ko ang pagkain ng kanin, parang tinalikuran ko na rin ang aking pagka-Pilipino. Agad kong ipinataas ang kanyang kanang kamay at ipina-recite sa kanya ang Panatang Makabayan upang makalimutan niya ang ginagawa nyang pambubuyo sa akin na iwan ang KANIN… At ang aking nasyonalidad.

Ilang beses ko na ring tinangkang mag-reduce. Pero malakas talaga ang powers ni Taning. One of the seven sins… Gluttony. Hindi ko alam kung paano ko maalis sa sistema ko ‘tong sin na ‘to. Pero merong isang sin na sobrang mahihirapan ako sigurong alisin…. Yun ay ang Lust.

Nowadays, napagisipan kong mag-business, with the help of my computer. Naisip kong dahil malaki-laking investment ang computer na ‘to, bakit hindi ko siya pagkakitaan? Bukod sa tax, ang bayad ko sa PC na ‘to ay ang mga kumakain ng sweldo ko. Kung sa timbang rin lang ng dalawang bagay na ‘to mas gugustuhin ko pang ituloy ang pagbabayad sa PC ko kasya naman sa pagbabayad ng tax, dahil kahit papaano ako pa rin ang nakikinabang sa binabayad ko sa PC na ‘to. Hindi katulad ng tax. Hindi ko alam kung saan ginagamit ng mga walanghiyang mga pulitiko na yan ang perang binabayad ko sa tinatawag nilang gobyerno! Siguro kung ang buwis na yan ay para sa ikamamatay ng mga trapo dito sa bansa natin, kahit siguro buong sweldo ko ok lang na kuhanin na nila. Basta ang gusto ko lang paraan ng pagpatay ay ang pagputol sa kamay nila pagkatapos ay susunugin sila ng buhay (eeeww. crass).




Ika nga nila, hindi lahat sa mundong ito ay puro hirap. Dadating din ang panahon, may isang nilalalang ang magdadala ng sagot sa lahat ng problema. Kanina nanonood ako ng Late Evening News. Siyempre sa kapamilya… Baka nga naman magalit si Daddy OML (Oscar Lopez) kung hindi ko tatangkilikin ang sariling amin. Ibinalita rito na nagbabalak pumasok ng mundo ng pulitika si Manny Paquiao. Bakit naman hindi? Malay mo kung siya na talaga ang sulusyon na hinahanap ng mga Pinoy. Malay natin kung siya nga ang sagot sa krisis na pang-ekonomiya ng bansang ito. Baka hindi na rin tayo maliitin ng ibang mga lahi sa oras na malaman nila na si Manny Paquiao ang presidente ng bansa natin. Matatakot sila dahil baka nga naman hamunin sila ng suntukan ng presidente natin. Sa tingin ko hindi na rin mahihirapan si Manny sa pagkakampanya kung sakali ngang matuloy ang binabalak niyang pagtakbo. Sa dami ng commercials niya. Naisip ko tuloy kung sa tuwing papasok siya sa MalacaƱang, Naka-billboard-boxer shorts din kaya sya at robe. Baka palitan na rin ang mga painting sa pader ng palasyo at lagyan na ng mga posters niya ng Chicken Mcdo syempre kasama ang buong pamilya. Paano kaya siya pipirma? Si Roach kaya ang magiging Presidential Adviser niya? Ano kaya????