Ako kaya si Superman? Naisip ko lang, paano nga kaya kung ako ang nakatakdang magligtas sa sangkatauhan? May natatago kaya akong kapangyarihan na hindi ko pa lang natutuklasan hanggang ngayon? Kung tadhana ko nga ang maging super hero, anu kayang pangalan ang gagamitin ko? At anung kulay ang costume ko? Ang brief ko kaya ay nasa labas din? Paano ako magta-transform? Sisigaw ba ko? Pupunta sa phone booth? Lulunok ng kamote? Ano kaya? Madaming tanong... Tsaka hindi pa ata ako handa. Magpapa-audition pa ko ng leading lady.

Si Lord, nagpapasalamat ako sa kanya at biniyayaan nya ko ng "bionic ears." Ika nga ng lola ni Spiderman, "With great power, comes great responsibilities." Minsan hindi ko maiwasan ang maging chismoso dahil sa abilidad kong 'to. Kung sabagay hindi ko naman kasalanan na marinig ko kung anu mang pinaguusapan ng ibang tao dahil in the first place, hindi nila dapat lakasan ang boses nila dahil nga baka makinig ako.

Kahapon, nasa bus ako para ipagawa ang aking baby (computer), may dalawang babaeng nagchi-chismisan sa likod ko. Pero sigurado akong nagbubulungan sila. Sa kasamaang palad tumaas ang antenna ko at naisipan kong makinig sa kanila.

1: "Hindi ko alam kung bakit sinagot ko yung lalaking yon! Hindi marunong humalik"

2: "Nasubukan mo na bang humalik ng hindi mo kilala? Exciting kaya!"

1: "Yuck! Hindi pa no! Pero open ako sa idea mo! Hihihi!"

2: "Try mo kaya sa kanya? Seduce mo sya tapos yun na! Ahihih!"

1: "Oo nga! Mukha syang masarap. Hihihi!"

Sa puntong ito hindi ko na napigilan ang sarili ko na tignan ang dalawa sa likod ko. Pero siyempre, pasimple lang. Kasi mukhang ako yung tinutukoy nila. Na-realize ko na hindi pala ako ang tinutukoy ng dalawang haliparot na yun. Kundi si Zanjoe. Salamat sa dala nilang magazine at nakapagpantasya na naman ang dalawang babaeng yon. Siya nga pala. Yung isa, mukhang ulikba, yung isa mukhang bakla. Hindi na sila nahiya sa suot nila. Parang mga babae sa night club. Ang pinagkaiba lang, umaga nun. Sana lang hindi ko na narinig yung usapan nila. Para hindi na ko umasa.

Dalawang bagay lang kung bakit madali kong masaulo ang isang kanta. Una, pwedeng nagandahan ako sa kanta kaya madali ko siyang nasaulo, at ang pangalawa, ay sobrang corny ng kanta at kahit anung pilit kong alisin sa utak ko ay hindi ko siya maalis. May isang commercial jingle sa radio na kinaiinisan ko at dahil don, nasiksik na ata sa utak ko. Yung commercial ng biogesic. "Bagay ba sa akin ang kulot, Bagay ba sa akin ang kulot?" na kinakanta in a sex bomb-ish manner. Shet!

May lima o anim na beses ko pa lang napapanood ang video ni Allysa Alano pero nakakatawa na kapag naririnig ko ang original version ng Kiss Me by Sixpence, ay yung lyrics ni Allysa ang lumalabas sa bibig ko. Nakita ko na 'to bago pa man naging balita sa lahat ang kagagawan ng babaeng 'to. Kaya nagka-phobia na tuloy ako sa pagkanta ng Kiss Me dahil iniisip ko baka yung lyrics nya pa ang masabi ko.

"keys me, v-neat the milkeh twalay, leeeeeeeep me, al-out the moonlit floor, leaf your open hand, strike entebend, end make d parflays dance, silvemoouse is barkley, so keys me..."

Sa maniwala ka o sa hindi, nakalimutan ko na kung ano yung totoong lyrics ng Kiss me. Yung Keys Me na ang nananalaytay sa dugo ko. Hindi ko mapigilan. Nakasaksak na sya sa utak ko...

O ano na? Ako nga ba si Superman?