Ngayon ay ang aking pinaka-productive na araw. Siguro dahil pakiramdam ko ay Sunday kahapon. Kaya yung supposedly Monday-Morning-Sickness ko ay naging Wednesday-Wholeday-Sickness na. Umaga pa lang ay hindi na gustong bumangon ng katawan ko sa pagkakahimlay sa kama. Marahil narin sa lamig ng panahon pag gabi. Dahil din sa lamig na ‘to kaya ako pinupulikat sa gitna ng pagtulog ko. Huwag kang mag-isip ng masama. Tulog lang talaga ako. Senyales na ng Pasko. At pag pasko, lagi na naman akong walang pera. Pesteng buhay naman ‘to!
Balik sa araw na ‘to. Naiwanan ko kanina ang cellphone ko sa kwarto ko bago ako umalis. Memory gaps strikes again! Buong araw lang akong nakatunganga sa kawalan. Salamat na lang at nasa bagong opisina ako at dahil sa magandang pwesto ko walang nakakapansin na kahit nasa upuan ako ay wala ang isip ko sa opisina. Nagkayayaan uminom nung gabi dahil na rin sa pag-kainip sa paghihintay sa dalawa naming kasama (na hindi pa rin malinaw hanggang sa ngayon kung ano talaga ang ginawa nila at tumagal sila ng ganon ka-tagal. Sabi nila na-trffic lang sila. Kung totoo ‘yon, hindi ko alam). Naisip ko ayos na rin siguro ‘to. Makalimot man lang sa problema kahit saglit lang.
Wala kaming pera pare-pareho. Kung paano kami nakauwi ng hindi dumadaan sa presinto ng dahil sa hindi pagbabayad ng ininom, hindi ko na alam. Basta ang alam ko. Nagtaxi pa kami pauwi at ang kupal na taxi driver na nasakyan namin ay nag-alok pa ng special offer. P500.00 daw mula sa Ortigas hanggang sa bahay namin. Baliw ba siya? Kung alam niya lang na binalak kong hold-up-in siya baka nagsisi pa siya at isinakay nya pa kami.
Pag-dating ko ng bahay. Natatae na ko. Ineexpect ko na pag-tingin ko sa cellphone ko ay “no space for new messages” na. Pero kahit na isang message, wala. Naghinala na ko, at tama nga ang hinala ko. Binasa na ng kung sino na taga-bahay ang lahat ng mensahe ko. Kids, this is what we call “privacy”. Anak naman ng teteng. May sarili nga akong kwarto, hindi ko naman sarili. Minsan ang sulat na para sakin, bago pa makarating sa mga kamay ko ay may nakabasa munang iba. Daig ko pa ang bilanggo. Martial law? Messages na nga lang ng cellphone, hindi pa itinira, binasa pa.
Malupet! Alas dos na ng kinabukasan pero nagsusulat pa rin ako ng blog dahil sa bwisit ko sa araw na ‘to at sa pesteng antok na yan na ayaw akong bisitahin. Kung bakit, hindi ko na alam. Basta ang gusto ko lang pag natulog na ko ngayon wala nang gisingan.
“this is what life is all about” - sitti “berimbao”; sitti live album

Post a Comment