Napag-isipan naming mag-liwaliw sa dati naming tahanan ni Grace nung kolehiyo, and Intramuros. Naisip naming bumalik dahil gusto sana naming makita kung ano na ang nangyari at mga nabago sa lugar. Ang resulta, nalungkot lang kami pareho. Sadyang marami nang bagay ang nabago sa lugar. Nauna naming nakita ang Mcdo sa tabi ng Letran. Sarado na. Sabi ni Verna, bankrupt daw dahil hindi na daw kumikita, kung nagtataka ka kung bakit na-bankrupt kahit marami laging tao, yun na rin ang sagot sa tanong mo, marami lang tao pero hindi naman lahat bumibili. In short, marami lang tambay pero wala namang customer. Masyadong dinamdam ni Grace ang nakita nyang ‘yon dahil marami daw siyang alaala dun (kung anu man yon hindi ko na alam, tanong nyo na lang sa kanya). Napagpasyahan naming ituloy ang aming paglalakad papuntang Wow Philippines. Hindi kami napa-wow dahil pag dating naming dun, wala na pala ung pupuntahan namin. Closed na pala. Dati pag Sabado, loaded na ng mga tao ang lugar. Masaya. Pero ngayon wala na. Put@ng Inang mga taga-Department of Tourism yan. Hindi ko malaman ang dahilan kung bakit naman nila inalis ang establishments dun. Ang mga taga-gobyerno nga naman oh.! Tsk tsk tsk!
Dati-rati kapag Sabado, pumupunta na kami ron para mang-manyak, este, mamasyal pal pero ngayon wala na. Naisip ko lang, siguradong milyon-milyon na naman ang nasayang na pera ng gobyerno dahil don. Bigla kong naalala, Mage-eleksyon pala. Kaya pasko na naman ng mga kurakot. Sigurado nagpapayaman na naman yang mga yan para may makuhang pondo para sa eleksyon. Alam ko yan, may mga kaibigan akong mga taga-Gobyerno. Yung isa opisyal pa. Pero tanggap nya naman na malaki ang galit ko sa mga katulad nia. Walang kaso sakin. Exempted sya kasi kahit papano nakikinabang ako sa kurakot niya. Buhay Pinoy nga naman oh.

Post a Comment