Minsan iniisip ko kung tama pa rin ba na problemahin ko ang isang bagay na alam ko naman na ako rin lang ang makakahanap ng solusyon. Kailan nga ba dapat tumigil? May iba bang taong makakapagsabi sakin kung hanggang saan lang dapat ako? Palagay ko siguro wala. Siguro ikaw, pero sa tingin ko hindi mo rin ako kaya. Madami na ring nagsabi sa kin na tama na pero hindi ko pa rin maisaksak sa kokote ko na tama na. Nararamdaman ko na ang pagod pero alam kong ang pagod na ‘yon ang gusto ko.

Kinumbinsi ko na ang sarili ko na hindi na kita gusto. Naghanap na ko ng iba na mas tingin kong karapat-dapat sa kung anong kaya kong ibigay. Pero nagdadamot pa rin ako dahil alam kong hindi para sa kanila ang lahat. Para sa’yo lang.

Ano nga bang ginawa mo para magka-ganito ako? Sana nga may ginawa ka na lang para maging ganito ako. Kaso, wala. Wala kang ginawa. Wala ka pa ring ginagawa. Ang ginawa mo lang ay ang maging sarili mo. And the rest follows. It’s all on me.

Ang alam ko ayoko na. Kasi sinaktan mo na ko. Marami ka nang ginawa na sa tingin ko dapat kong ikagalit. Pero bakit ba hindi ko yon magawa? Putang ina ano bang meron ka? Utang na loob lang, kung may makakapagpaliwanag lang ng katangahan na ginagawa ko sa sarili ko, paki-eksplika sakin ang lahat. Haha. Wala namang ibang makakagawa nun kung di ikaw lang. Asa pa ko!

Hindi naman kita nakikita. Minsan lang kitang makausap. Taon na ang binilang simula nung huli kong marinig ang boses mo. Ni hindi na ako gumagawa ng kahit na anong paraan para makausap ka dahil alam kong ikasasama ko lang. Pero bakit ganon? Nami-miss kita. Baliw na ba ko?

Paulit-ulit ang tugtog na lalo lang nakakapagpa-sama ng loob ko dahil sa katanghan kong ‘to. Kung tutuusin pwede kong patayin. Pero hindi ko magawa. The pain that I feel is my pleasure.

Basta wala na akong pakialam. Alam ko hindi na kita mahal… Ayoko na sa’yo… Sana…