Commercials. Naisip ko na sana naiisip ng mga taong nasa posisyon para mag-isip ng mga konsepto, na tama at makatotohanan ang ideya nila para sa produktong inilalako nila sa taumbayan. Hindi ko alam kung bakit kailangan ng masyadong drama sa pag-eendorso ng gamot sa sipon. Hindi ko rin mapaniwalaan na ang isang ordinaryong taga operate ng elevator ay nalagpasan pa ang taglay na kagwapuhan ni Ben Afleck ng dahil lang sa pag-iispray ng isang pabangong pangkalalakihan.
Oo sige. Paraan yan upang makuha ang atensyon ng mga tao, pero sana tunay. Pero aaminin ko nakakatawa ang mga ganitong konsepto. Minsan, naglalakad ako sa mag Megamall. Sakto may isang gorilya na naglalakad sa gitna ng mall. Para ata sa Solmux. Napangiti na lang ako sa gimik nilang to. Mas natawa ako nang marining kong nilapitan nya ang isang magandang babae na napadaan rin nung pagkakataong yon, sabay sabi sa babae, "miss papicture naman tayo." Ang babae, kinilig naman. Hindi nya siguro ine-expect na sa Megamall nya makikilala ang gorilyang makakapagpatibok ng puso nya. Nag-give way naman ang tangang babae at nagpa-akbay pa sa gorilya. Nagkuhaan sila ng picture. Maya maya nagrequest pa ang gorilya, "miss, isa pa, kung ok lang." Tumawa ang babae at nagpakuha na muli. Tang ina, buti pa ang gorilya, nung mga sandaling yon isa lang ang gusto kong gawin, bumili ng costume ng gorilya at mag-suot nito habang naglalakad sa mall. Baka sakalinh maka-hook ako ng chicks.
Kanina, papasok ng opisina, may mga namimigay ng hindi ko alam kung free samples ba o leaflets ng produktong Sunsilk... o Creamsilk, hindi ko alam. Basta sa buhok. Muntik nang tumalsik ang laway ko sa mukha ng nagaabot ng sample dahil ng makita ko yung lalaking nag-aabot, kalbo sya. Hindi naman sa nag-aalipusta ako ng kapwa, pero sana naisip ng mga namimili ng mga sasama sa promotion na yon na hindi ata magandang mapabilang siya sa mga nagaabot ng mga samples na yon. Produkto para sa buhok tapos mamang napapanot na ang mag-aabot sayo, hindi ka kaya magdalawang isip nun na baka mangyari rin sakin ang ganon? Hay ewan ko ba. Siguro kung floor polisher sana baka pwede pa siya dahil sa kintab ng bunbunan niya.... teka... Hindi kaya yun ang nais ipahiwatig ng mamang kalbo? Na kung kalbo ka, at gagamit ka ng produktong yon, wala ka mang buhok na kikintab, may ulo ka naman!
Bukas magkikita kami ni sitti.... bwahahahahha!

Post a Comment