Patawad pero sa tingin ko magiging palasak ngayon sa blog na ito ang simbolong “Ü”. Kumakalat na nga sa text ang hinanakit ng simbolong ito na hindi natin inakalang mayroon naman palang tamang katawagan. Ü



“alam kong sa tingin mo masaya ako. Pero bakit kayo ganyan?! Sa tuwing wala na kayong masabi, ako lang ang ginagamit niyo! Pagod na pagod na ko sa pag-ngiti!!”



- Ü



Mga kaibigan, ipinakikilala ko sa inyo si “Latin Capital Letter U with Diaeresis.” Sa matagal na panahon na nating inaabuso ang simbolong ito, sa tingin ko mapangahas para kay “Ü” na patuloy lang natin siyang gagamitin nang hindi man lang nalalaman kung anu nga ba ang pangalan nito. Hindi naman siguro intension ng mga latino na magamit ang simbolong “Ü” upang ipahayag ang nararamdaman nating kasiyahan. Lalo na sa text. Ü. Obviously, diaeresis ang tawag sa dalawang tuldok na nasa ibabaw nitong simbolo na “Ü.” Diaeresis, parang sakit ang tunog. Pero wala na tayong magagawa dahil yan na ang pangalang naisip na ikabit sa kanya ng taong lumikha rito. Iniisip ko rin kung paano kaya naisipang gawin ng gumawa nito ang letrang ito…



“Hey, Im feeling so happy today, I’m gonna invent a letter.. Oh, oh, I have one, I have one!” sabay sulat sa pader ng kweba gamit ang matulis na bato “Ü” “ang saya! Ngayon, tatawagin ko ‘tong “smiley”…teka.. ang panget, parang mala-yahoo messenger ang dating… Ah alam ko na! ‘Latin Capital Letter U with Diaeresis.’ Astttiiiiiggg! Teka.. bakit nga ba ako nagtatagalog eh latin ang iniimbento kong salita? ” Ü



Ü. Kung anong itsura ng simbolong ‘yan, yan ang nararamdaman ko ngayon kahit papano. Ü. I feel Ü. Magaan ang lahat (pwera na lang sa isang kalokohan na pinasok ko. At ngayon hirap na hirap akong tapusin dahil sa katarantaduhan ko). Pero, who cares care bears, basta ok ako, ok sya, ok kami, ok na ko. Ü Wala nang mga dark-and-twisty, dark-and-twisty na yan! Kahit sa umpisa naninibago ako pero hinayaan ko na lang, Basta ang importante…masaya. Ü



Sana lang magtuloy-tuloy….. Ü Ü Ü Ü Ü Ü Ü Ü Ü



Ü Ü Ü Ü