Monday morning. This Monday morning is not my typical Monday morning. I love this particular Monday morning. Siguro dahil inspired pa rin ako sa mga nangyari sa buhay ko nung Sabado. Ü Wala akong Monday morning sickness ngayon at kahit late na ko nakatulog kagabi, maaga pa rin akong nagising. I took a shower with a smile on my face. With Sitti singing early this morning… Very refreshing. Hmmm, iniisip ko kung anong susuotin ko ngayong napakagandang umagang ito. Napagtripan kong magsemi-formal ngayon. Tutal naman maganda ang gising ko, at para maiba naman ang image ko sa office na lagging mukhang patapon. Insinuot ko ang plantsado kong polo at slacks. Nilinis ko na rin ang aking black shoes. Pogi!



Paglabas ko ng aming subdibisyon, walang ni isa mang kaluluwa ang naghihintay ng Bus na paluwas ng Manila. Swerte! May isang Bus na agad na sumulpot. Sakto. Sumakay na agad ako. Hindi ako late ngayon, hahaha! Tinabihan ko ang isang cute na nursing student na medyo groggy pa ata at mukhang tulog na tulog. Nang umupo ako, nagising ko siya. Nginitian ko na lang. Nginitian naman nya ko. Uy! It’s a sign. Pero minabuti kong hindi na ituloy ang “flirting” process dahil mas may iba akong iniisip. Ü.. Siya…



Inilabas ko na lang ang aking bagong-bagong iPod Nano na may colored na screen at mayroong napakagandang tunog at puwede ring lagyan ng mga litrato, at pinakinggan ang mga awitin ng bandang Radioactive Sago Project. “Bale 1986 nung una kong makilala si Batman, Wala pang ABS-CBN non, sa BBC 2 pa non e, panahon ni Marcos non na malapit nang mamatay.” Nagbigay agad ng ticket ang kondoktor at naningil, cool! Dapat naman talaga ganon. Para may panahon pang makatulog ang mga pasahero. Dahil nga malayo pa, natulog muna ko…



Nang magising ako, naka-dantay na sakin ang cute na katabi ko. Sweet! Tinignan ko kung nasaan na ko at putang ina! Nasa Buendia na ko. Dapat sa Baclaran lang ako. Pagtingin ko sa relo, quarter to eight. Leche! Late na ko! Agad na kong tumayo at nagising na naman siya. Nakisabay na ko sa mga bababa ng buendia at hindi na lang tumingin sa kondoktor. Baka maalala nya na hanggang Baclaran lang ang bayad ko tapos sa Buendia na ko bumaba. Nagmamadali akong sumakay ng Bus papuntang LRT, nung nasa bus na ko, naalala ko na may mga jeep pala na papuntang LRT. Tinignan ko ang likod ng Bus, 2-3 tao lang ang laman. Leche! Nagsakay pa ng mga pasahero ang kupal na driver. Wala na ‘to! Late na ko! (Nakakatawa na kasalukuyang tumutugtog ang “Ninakaw ang bag ko” ng Radioactive sago project sa aking bagong-bagong iPod Nano na may colored na screen at mayroong napakagandang tunog at puwede ring lagyan ng mga litrato, kaya lalo kong nararamdaman ang adrenaline rush). May isang kanto na lang bago ang LRT station, nasiraan ang Bus. Leche talaga! Napilitan na kong lakarin na lang papunta ron at hindi na ko nagbayad sa Bus. Sa paglalakad ko, may inuman session pa kong nadaanan. Tinignan ko ang relo ko. 8:20 a.m. hanep! Red Horse pa ang tinatagay! Gusto ko sana makisali kaso late na nga ako. Tsaka nadismaya ako sa pulutan, Pandesal at itlog.



Pagsakay ko ng LRT, yung nasakyan ko, walang Aircon. Wow hanep! Tagaktak ang pawis ko, pwera pa ang pawis ng ibang nakasakay sa LRT. Eeewww.. Bale wala ang japorms kong to. Lusaw! Isama mo pa ang limang libong kataong tumapak sa bago linis kong sapatos. Tang ina talaga! Nang palabas na ng train, tinulak ko na lahat ng nakaharang sa daan ko dahil late na nga ako. Nilakad ang istasyon ng MRT at presto! As usual, siksikan at isang guard na naman ang nag-iinspect ng mga bag. Patuloy pa rin ang pagtapak ng mga tao sa sapatos ko. Tinignan ko kung kulay-bato ba ang naisuot kong sapatos at parang hindi nila nakikita na may paa sa dinadaanan nila. Hindi naman. Itim talaga ang suot ko. Sumakay ako ng tren, at ang nasakyan ko, may ugong lang ng tunog ng aircon pero wala naman akong lamig na nararamdaman. Lahat ng tao todo paypay. Wala na kong magagawa. Wasted look na naman ako.



Pag-dating ko sa pila ng jeep na patungong Ugong, lintek ang pila. Tinignan ko kung may nagbibigay ng bigas sa unahan or baka nandun si Sitti at pumipirma ng mga cd’s for autograph, wala naman. Sadyang 20 years lang pala talaga ang pagitan ng pagdating ng mga jeep na papuntang Ugong kaya ang haba na ng pila. Pinatugtog ko na lang ang koleksyon ng tugtog ni Sitti sa aking bagong-bagong iPod Nano na may colored na screen at mayroong napakagandang tunog at puwede ring lagyan ng mga litrato, upang mahupa man lang kahit konti ang bad trip ko.



Ayoko talaga ng Lunes! Peste!



First Balfour, Inc. office hours – 8:00 a.m. to 5:00 p.m.

Acosta, Michael – Time-in: 9:18 a.m.