It’s fuckin’ Monday morning once again. Kaya eto na naman ang the so-called “Monday Morning Sickness.” As for my typical Monday morning, late na naman ako. Teka, wala nga palang pinipiling araw yung pagka-late ko. Sa palagay ko, this pay-period ang record breaking ko pag dating sa late. Sa tantsa ko mga 5 hours na yung accumulated late ko for just 15 days. Ika nga nila dito sa office, “Basta sume-sweldo ka, ok lang.” Ang totoo nyan wala pa rin talaga akong contract. Or meron siguro pero hindi ko lang alam kung existing pa rin. Which takes me back sa sinabi ng kasama ko dito. “Basta sume-sweldo ka, ok lang.”



Kasalukuyang nag-iisa ako dito sa opisina ng joint venture. Kung sa bagay naman kahit may kasama ako parang wala pa rin akong kasama. Minsan magugulat na lang ako may kasama pala ako sa opisinang ‘to. Sinadya kong hindi buksan ang ilaw dahil sa magiging alive ang atmosphere. Tsaka at least kahit papano sa unang sulyap parang walang tao dito sa office na to. Pumupunta dito yung mga taga kabila para manood ng “Prison Break,” pero hindi naman kami ganon ka-pasaway. Nanonood lang kami kapag lunch time.



Tinignan ko yung stats ng isa kong website. Naging best seller yung “the part of that love scene that was never shown.” Tsk tsk tsk! Mga manyakis talaga. Hindi ko alam kung bakit yun ang pinaka best seller pero siguro dahil na rin sa title na ginamit ko. Kung nagtataka ka kung anung meron dun sa palabas na yon, check the title. It’s “the part of that love scene that was never shown.” Literal! Less the insertion of course, but it’s the movement that they did kaya ki-nut ang eksenang yon.



Pupusta ako marami ring magbabasa ng walang kakwenta-kwentang blog na to dahil sa title na ginamit ko! Mga… mga… malili….!!!



Obvious ba na wala na naman akong magawa? Hayaan nyo na! Wala na rin naman kayong magagawa! Nabasa nyo na eh. Wala lang.