Magpapasko na naman. Isa sa kakabit ng pasko ay ang gastos. Wala na tayong magagawa dun. It’s part of what we are celebrating. Pero kahit sa isang banda ay nabutasan ka man ng bulsa, ang importante nakapagpasaya ka ng ibang tao. At hindi ko rin alam kung bakit ganito ang panimula ko sa blog ko na to. Wala naman akong balak mag-kampanya sa May 2007 elections, kung magkakaroon.




Kamakailan lang ay sumambulat na naman ang galit ko dahil sa mga walang ka-kwenta-kwentang mga kagaguhan na ginagawa ng mga kupal na nasa congress. Dala na marahil sa pagpapatakbo sa kanila ng pinakakupal na pulitiko sa kanilang lahat, ang presidente a.k.a pasimuno. Sa totoo lang nakakapikon na Makita ang mukha ni de Venecia sa TV. Mukha na siyang cartoon character. Pero hindi nakakatawa ang itsura kundi nakakapikon.




Pero kahit na pinapainit ng mga gagong kongresista ang ulo ko, kahit papano ay may pambawi naman at naiibsan ang galit ko. Bumaba na raw pala ng 50 centavos ang pasahe sa jeepney. As usual, ako na naman ang pinakahuling taong nakaalam ng balitang ito. Lunes nang ipatupad nila ang bawas sa pamasahe. Nagbayad ako ng pamasahe at, maya-maya’y napansin kong nakatingin na ang halos lahat ng nakasakay sa jeep na yon sa aking maamong mukha. Sa tingin ko nagwapuhan lang sila, pero maya-maya pa ay parang mga galit na sila at bumubuka na ang mga bibig nila ng walang lumalabas na salita. Naalala ko na naka-earphone pala ako at patuloy na bumibirit ng “Kapag Tumibok ang Puso” si Donna Cruz sa aking iPod. Inalis ko muna sandali ang nakapasak sa tenga ko upang mapakinggan ang sinasabi ng aking mga bagong taga-hanga. Yun pala ay pinapagalitan nila ako at P7.50 pa rin ang ibinayad ko sa halip na P7.00 lang. Damang-dama ko ang galit nila at sabay-sabay nilang sinasabi sa akin na P7.00 na ang pamasahe. Nagtataka lang ako dahil kung magalit na lang sila sa akin ay parang “heinous crime” na ang ginawa ko. Inaabangan ko na lang na kumuha sila ng malalaking bato na galing sa mga bag nila at ipupukol nila yon sa akin hanggang sa dumugo ang ulo ko at mamatay ako, pero hindi naman yon nangyari. Nag-sorry na lang ako ngunit sa pagbaba ko ng jeep nararamdaman ko pa rin ang sama ng tingin nila sa akin. Hindi na ko lumingon dahil baka may bigla pang maghagis ng kutsilyo upang patayin ako dahil sa karumaldumal na ginawa kong yon. Sa susunod, kapag sasakay na ko ng jeep, kailangan ko nang mag-life vest para mas safe.




Napagtanto ko na naubusan na pala ako ng stock ng aking “flavoured-kapote.” Kaya ko naalala ito dahil magba-bagong taon na at nalalapit na ang panahon ng “putukan.” Napadaan ako sa isang branch ng 7-11 at napagisip-isip ko na pagkakataon ko na to para makabili ng sandata. Nang nasa counter na ko, nakita kong babae ang cashier at ang kasunod ko sa pila ay isang kolehiyalang naka-puti pa ang suot. Nahiya ako at sa halip ay bumili na lang ng isang kahang yosi, kahit na dalawang stick pa lang ng yosi ang nababawas sa isa pang kaha na nasa aking bulsa. Bad trip! Lung Cancer ito.




Panahon na naman ng mga parties, pakiramdam ko alak na ang nananalaytay sa aking mga ugat at hindi na dugo. Marahil kung tunay nga ang mga vampires, pag ako ang nabiktima nila, malas lang nila, dahil baka mapatay sila dahil sa kalasingan. Hindi na rin nakakatuwa ang dumaraming tao na pumupuna ng pag-lapad ko. Gusto kong sabihin na wala akong pakialam dahil pasko ngayon. Ngayon lang ‘to at talagang overflowing ang food and drinks. Ang importante masaya. Wala pa akong natatanggap na regalo maliban sa bigay ng Boss ko (RGV) na Brownies at ang figurine na bigay ni Gabbie. Pero kung magbabalak ka na bigyan ako ng regalo, kahit isang box “flavoured-kapote” baka pwede na. Samahan mo na rin ng pag-gagamitan.