Inuman ba kamo? Wala na rin akong masabi sa katawan kong ‘to. Minsan naiisip ko na salukin na rin ang ihing lumalabas kay putotoy at ilagay na sa bote ng san mig light o kaya ng san mig strong ice upang mapakinabangan naman ng iba. “same alcohol, great taste, but less filling.” At the same time nakakatulong na rin ako sa pagbabawas ng waste dito sa mundong ito. Sa ngayon, medyo… hindi pala medyo… groggy pa rin ako dahil sa wala akong tulog at pakiramdam ko ay dumadaloy pa rin ang beer sa aking sistema..
Hindi ako gaanong natutuwa sa konsepto ng regalo. Sa katunayan kung gagawa ka ng survey sa lahat ng kakilala ko. Mabibilang lang ng daliri mo, sa isang kamay lang, ang nakatanggap ng regalo na nanggaling sa kin. Magkaalaman na ‘to. Siguro kung mga 5 ang nabigyan ko ng regalo dati, mga 4 don napilitan lang ako. Pero ngayon, mejo naiba ang pakiramdam ko at napag-tripan kong maging santa-*nas* ngayong pasko. Maliban sa mga inaanak ko na may tig-iisang regalo sakin nagbigay din ako sa ilang mga chicks sa opisina. In return nakatanggap rin naman ako ng mga regalo. Pero isa sa mga regalo na yon… ang laman… Alak!
Kamakailan lang naisipan naming dumalo sa family reunion. Ang astig don, hindi namin kamag-anak ang mga nasa reunion na dinaluhan namin. “Gate-crashers.” Pagdating pa namin dun, ako lang ang mukhang nakapambahay (shorts at tsinelas) at ang mga ka-anak ay mga nakabihis ng maayos-ayos. Nang tinignan ko ang mga kasama kong “gate-crashers” pati sila nakabihis din ng maayos-ayos. Bad trip! Nung una nakakahiya, pero nung marinig na namin ang salitang “Red Horse” nabuhayan kami ng loob at naki-pinsan na sa mga magpipinsan. Makapal na ang mukha kung sa makapal pero alak na ang usapan kaya walang pakialaman. Tsaka mukhang tanggap naman nila kami as “pinsan-pinsanan.” Pati yung mga “tita-titahan” namin tinatagayan na kami. Sabi nga ni Grace, “I wanna be in this family!”
Nang mga lasing na, nakigaya na lang kami sa mga bata sa kalye, bumili kami ng isang box ng watusi at naghabulan sa kalye. Napansin kong nakatingin sa amin ang ilang mga bata sa kalye habang nagbabatuhan kami ng mga buhay na watusi. Marahil naisip nila na talaga ngang masama ang sobrang pag-inom at ultimo watusi papatusin mo. Maigi na rin yon, at least naging mabuting ehemplo pa kami sa mga bata. Nakakatuwa lang at nakakabili na kami ngayon ng isang box ng watusi dahil nung mga bata pa kami, kahit isang balot ng watusi, pahirapan pang bumili. Kailangan maijustify mo sa magulang mo na “worth-it” ang dalawang piso na hinihingi mo para sa isang balot ng watusi, na yun lang ang tanging makakapagpasaya sayo bukod sa baby rocket. Nandyan yung iiyak ka pa at maglulupasay sa kalye para lang mapagbigyan ang gusto mo. Pero ngayon, tignan mo naman. Kahit pa mag-ubos ako ng isang libong piso para lang sa watusi kayang kaya ko. Kaya lang nung bibili na kami ng aming pangalawang kahon ay wala na raw tinda. Putang inang mga bata yon, inubusan kami. Dapat pinagbabawalan talagang mag-watusi ang mga bata eh. Hindi nila naiisip na nagsasayang lang sila ng pera sa pagbili ng mga walang kapararakang watusi na yan. E pano na lang kung malason pa sila, e di mas dagdag gastos pa yan! Ang mga bata talaga ngayon, ang titigas ng ulo! Hindi na mapagsabihan!
Alak pa !!!

Post a Comment