Wala na kayong magagawa ngunit ang susunod kong post ay tungkol pa rin sa alak. Yan ay dahil dyan lang umiikot ang mga pangyayari sa buhay ko nitong mga nagdaang araw. Ika nga nila, “‘tis the season to get drunk and jolly falalalala lala lala.” Maraming kababalaghang nagagawa ang alak sa tao. Sa maniwala kayo o sa hinde. Kasalukyan kaming nagiinuman ng aking ama at kuya. Kahit na ang tatay ko ay nasa may tindahan at ako ay nandito sa tapat ng computer at ang kuya ko ay nasa barbeque-han, nag-iinom pa rin kami. Salamat kay Generoso at nakaka-dalawang bote na kaming mag-aama.

Kanina nakita ko ang ina ni “x.” Nahiya naman akong hindi batiin ang nanay nya kaya bumati na lang rin ako ng “Happy New Year.” Hindi ko napansin na si “x” pala ay naroon lang sa likod ng kanyang ina. Maya-maya pa’y tumawag na siya dito sa bahay upang “mangamusta.” Hindi pa nakuntento, sinundo pa ko dito sa bahay upang makapag-lakad lakad. Kung anu man ang napagusapan namin, samin na lang yon. Hindi ko na kasalanan kung ganito ako kakisig. Pero ganun talaga, wala na akong magagawa.

This year, (speech ko ‘to kaya walang magulo), kahit maraming trials sa atin at nawalan ako ng kutson sa kama dahil kay bagyong Milenyo, there are some things pa rin na I consider as blessings that I should be thankful for (naks! English yon!). A much closer ties with my family, a new found family at First Balfour, better bonding with my bros and sistas sa St. Mary at Mapua (lime camp and emperors), better career path, abundant food (ngayon lang ako lumaki ng ganito, and forecasts says na mas mahirap mag-reduce this year because it’s the year of the pig), overflowing beer (alak pa!), nice sex life (joke lang! but jokes are half-meant), Grey’s Anatomy (“Seriously!”) at Prison Break (“I put my blood on this!”), pati na rin Lake House (“I saw her. I kissed her. I love her.”). Maari ko ba naman makalimutan si Sitti Navarro (“hayaan na lang tumibok ang puso mo… Para sa akin.”), tsaka para kay “NTP”, after so many years ngayon lang ulit kita nakita at nakausap. Thanks! Yung special message saka na, makikita nila e.

Kung may nakalimutan man ako pasensya na. dala na rin to ng kalasingan. Basta para sa inyong lahat, Salamat, Sorry at Inuman na!!!!!! Happy New Year.