Hindi ko alam pero bakit sa tuwing World Pyro Olympics e nabubwisit ako at inaabot ako ng kamalasan. Nung first week ng Pyro, namnam na namnam ko yung traffic na dulot nito kung saan inabot ako ng dalawang oras para lang tahakin ang kahabaan ng EDSA magmula sa Megamall hanggang sa Baclaran. Kung tutuusin yung biyaheng dalawang oras ay mula na sana sa office hanggang sa bahay, pero dahil nga sa kalokohan ng mga taong nais makakita ng paputok, yung dalawang oras ko ay Baclaran lang ang inabot ko.




Nang sumunod na linggo naman, may isang nilalang ang nag-yaya sakin manuod ng finals. Dahil naisip ko na rin naman na nuknukan ng traffic ang mararanasan ko kung uuwi na ako, minabuti ko na rin na sumama upang makapanood na rin kahit papano ng harapan. At dun na nagsimula ang lahat! Maaga-aga akong nakarating don at dahil pagod na nga ako hindi ko na nagawang maglibot pa sa MOA at dumiretso na lang ako sa may likod kung saan gaganapin ang kalokohang palabas. Hayop ang kapal ng tao. Uhhmm, dun to sa labas kung saan walang bayad. Kita mo agad ang dami ng taong may praktikal na pag-iisip sa mga taong nagpagoyo sa organizers at nagbayad ng 100 pesos upang makapanood lang ng paputok. Alas nueve (Español eh!) na at wala pa rin ang palabas, pati na rin ang dapat sana’y kasama ko. Salamat sa Globe, at sa dinami-dami naman ng panahon na mawawalan ng signal ngayon pa! Leche! Ang resulta, naawa lang ako sa sarili ko dahil mag-isa akong kumakain ng chicharon habang ang mga nasa paligid ko ay mga pamilya at magkakaibigan na may picnic set pa na nakalatag sa kalye. Naisip ko na dahil mukhang magiging “ME-time” ang lakad na ‘to, bumili na rin ako ng ticket at minabuting magpauto na lang din sa organizers. Leche! Nakuhaan ako ng 100 pesos. Nang makakuha ng signal, tinawagan ko ang sana’y kasama ko. Pero nasa Buendia pa lang daw. Naknamputa. Mukhang matatapos nga ang gabing ito ng “Sad and Lonely.” Tinapos ko na lang ang palabas at kahit papano’y namangha na rin sa mga nakita ko. Iniisip ko sa palabas ng team-pinas ay mga kwitis, watusi, piccolo at mga pulis na may hawak na boga ang makikita ko, pero hindi naman, mga teargas na may kulay lang ang nakita ko. Sabi ng nakausap ko, (isang mamang hindi ko kilala na nagkukuha ng litrato ng fireworks, wala rin siyang kasama) ‘pinas lang daw ang ganyan kausok, pero pinas ang may pinakamagndang presentation at nakakabingi na pag-sabog… parang boga. Sa totoo lang nanonood lang ako ng bigla na siyang nagsalita. Mukhang opinionated person ang taong ito at gusto ko sanang tanungin ang opinion niya tungkol sa pagpapasikat ni Gloria sa Asean Summit sa Cebu kahit walang pera ang ‘pinas pero minabuti ko na lang tumahimik dahil baka humaba lang ang usapan. Nginitian ko na lang si manong at sabay alis. Baka kasi tanungin niya ko kung ano ang opinion ko tungkol sa pagpapasikat ni Gloria sa Asean Summit sa Cebu kahit walang pera ang ‘pinas at wala lang akong maisagot. Nakakahiya.





Nang pauwi na, hanep ng taong naglalakad papuntang Roxas Blvd. Akala ko may EDSA Revolution uli (dahil nasa EDSA extension kami) pero wala naman. Ala una (Español eh!) na non ng madaling araw at grabe ang tao na nagaabang ng biyaheng Cavite. Dahil traffic naman naisip kong unahan sila at sinalubong ko ang mga sasakyan. Dahil sa pagkanta ni Ding Dong Avanzado ng “Tatlong Bente Singko” sa aking iPod, na-inspire akong umakyat ng fly-over (yung nasa tapat ng Heritage Hotel) hindi ko napansin na sumunod rin pala ang mga gago sakin paakyat ng fly-over. Late ko na na-realize na nakakahiya pala maghintay sa taas ng fly-over dahil pinagtitinginan kami ng mga nasa sasakyan. Hindi na rin naman ako makakabalik dahil nabarahan na ang daan pababa ng fly-over dahil nagsisunuran nga sa akin ang mga tao. Kaya kung may nakita kayong mga tao sa fly-over ng Roxas Blvd. nung Sabado ng madaling araw last week, ako ang pasimuno nun.





Pagkagising ko ngayong umagang ‘to. Na-realize ko na tumanda na naman ako ng isa pang taon! It sucks! Pinilit kong balikan ang lahat ng katarantaduhang ginawa ko nung nagdaang taon. Wala pa atang sampung minuto, napagod na ko kakaisip dahil na-realize ko na wala naman nga pala akong nagawang kalokohan sa nakaraang taon… teka… sa buong buhay ko pala. Sana lang tong susunod na taon, maging mas ok ang lahat. Sa mga nakaalala, salamat. At sa hindi, mga PU*@NG IN@ niyo mamamatay rin kayo!