Hindi ko alam kung sino ang kinuhang Dance Instructor ni Manny Villar para sa kanyang campaign commercial, pero isa lang ang sigurado ko. Malamang, hindi si Maribeth Bichara ang kinuha nya. Sa tuwing nakikita ko yung commercial niya, ok naman. Pero pag dating lang talaga sa dance steps nya, mukha siyang laruang de susi. Kung sino man ang may kakayahang maipaabot ito kay Manny Villar nananawagan ako. Kung sakali man na matalo sya sa darating na eleksyon, maari siyang makapag-pauso ng isang panibagong dance craze. Sabayan na rin sana ng isang mala-jologs na tune para kumpleto na. Kahit na anung pilit kong gayahin ang step na yon hindi ko talaga makuha. Kumbaga kay Michael Jackson, Moonwalk.
Pinanonood ko ang Big Bro habang ginagawa ko ang blog na ‘to. Commercial pa kaya may panahon pa ko para mag-type ng mga kagaguhan dito sa blog na ‘to ng biglang sinabi ng ka-dorm mate ko na hindi naman daw nagde-deodorant si Toni Gonzaga. Kung paano nya nalaman ang kasaysayan ng kili-kili ni Toni Gonzaga hindi ko na alam. Nakakatawa lang na pag-kasabi nya ng mga kataga na may kinalaman sa kili-kili ng dalaga ay agad na lumabas ang kanyang patalastas na kung saan ay nag-eendorso sya ng deodorant. Kung sa bagay ay hindi naman kapani-paniwalang gagamit siya ng ganong produkto. Pero dahil nga alam ng ka-dorm ko ang kwento ng kili-kili nya ay lalo lang akong napaniwala ng sarili kong teyorya.
Hating-gabi na pero nagtataka lang ako kung bakit panay ang pag-tilaok ng manok sa kabilang bahay. Kung hindi man naituro ng kanyang inahin ang diperensya ng araw at gabi nung siyay sisiw pa lamang ay hindi ko na alam. Pero may isa pa akong nabuong teyorya, maaring taga-call center ang kanyang amo at kailangan niyang mang-gising/tumilaok ng hindi tugma sa pangkaraniwang oras ng pagtilaok ng mga manok. Bakit nga ba “Tilaok” ang tawag sa ingay na ito ng mga manok? Nakapag-interview ba sila tungkol dito? Gumawa ng mga Sarbey (sarbey…hahaha)? Paano nila nasigurong “T-I-L-A-O-K ng tamang spelling at hindi T-H-I-L-A-Æ-Y-Õ-A-K?
Sa ngayon hindi ko na talaga alam kung ano ang gusto kong mangyari sa aking karera sa buhay. Sa totoo lang hindi na ako natutuwa sa kung ano man ang nangyayari sa trabaho ko. Maraming mga mabubuting kaluluwa ang nagsasabi sa akin na para sa kapakanan ko rin ang nangyayari sa akin, “Charge it to Experience” kumbaga. Pero iba ang sinasabi ng katawan at utak ko. In unison na sila kung magmura at nagsusuka sa dami ng trabaho. Parang ako na si Michael Scofield sa dami ng kailangan kong taguan dahil sa pag-iwas ng sermon at pagdadahilan (also known as Pagsisinungaling). Kung makikita nyo lang ang itsura ng workplace ko ngayon, at icha-challenge ko kayo na mag-hanap ng isang partikular na papel, paniguradong kukang ang limang taon bago mo pa ito mahanap. Madalas parang ayoko nang tapusin ang mga nakatakda kong tapusin dahil panigurado may kasunod na. Q.S., Cost Engineer, Project Accountant, Document Controller, I.T. Janitor, at kung ano pang maisipan mong trabaho na may relasyon sa construction ako na ata. Kulang na lang maging taga halo ako ng simento kapag walang concrete mixer na available.
Basta sa ngayon tiis-tiis muna. Kung hanggang kalian, hindi ko na alam. Pero sa ngayon, pakiramdam ko, malapit na kong sumabog…

Post a Comment