Say Chiz! Pichay… itanim sa senado! Ilan lang to sa mga kalokohan na pinag-iiisip ng mga campaign manager ng mga pulitiko na tatakbo ngayong darating na eleksyon para sa senatorial race. Hindi ko alam kung bakit sa tuwing naririnig ko ang slogan na “Pichay… Itanim sa senado” ay hanep na lang ang paghagalpak ko sa tawa, at kung nasa pampublikong lugar naman ako at wala akong kasama ay dinadaan ko na lang sa pag-ngiti dahil mukha naman akong tanga kung tatawa ako ng mag-isa. Mahirap na, yung tinitirahan ko pa naman ngayon ay walking distance lang sa Mental Hospital ng Mandaluyong. Sa totoo lang minsan hindi ko Makita yung logic ng mga commercial ng mga politico. Tulad ng dance encore ni Recto, Boom Tarat Tarat ni Zubiri. Although kahit papano may explanation naman pero sana nag-isip isip man lang sila ng mas disenteng format. Mabuti pa tong si Lacson. Halata ba kung sino ang iboboto ko sa eleksyon.
Kasalukuyan kong ginagawa ang blog na ‘to sa aking kama dito sa dormitoryo gamit ang bagong bagong laptop. Nang maisipan kong bumili ng yosi. Mas mayabang kasi ang dating kung habang gumagamit ako ng laptop ay nagyoyosi ako. Mas maangas tignan. Nang bumili ako sa isang tindahan sa di kalayuan. Naabutan ko ang isang kumpol ng mga manginginom na kasalukuyang nasa sesyon ng pagiinuman. Ang kakaiba lang sa grupo na ‘to, ay mayroon silang gitarista habang sabay-sabay silang kumakanta. Hindi lang basta kanta mga pare koy, may blending pa. kinakanta nila ang dakilang kanatang “The Green Green Grass of Home” nang may blending. Kung prinaktice nila yon bago pa man ako dumating upang makapag-pasikat sa kin ay hindi ko na alam. Pero malupet. Alam nila kung sino ang dapat mag-main voice at kung sino ang magse-second voice. Kung sumali lang sila sa kakatapos lang na Choir Olympics sa Xiamen, China malamang sila ang nakapag-uwi ng ginintuang medalya. Ikinatuwa ko lang dahil mayroon pa palang ganoong klase ng inuman. Huling kita ko ng ganoong tagpo ay si Dolphy kasama ang mama na may-ari ng tindahan (Isko o Kulas, hindi ko matandaan) sa kabila ng riles sa show na “Home Along da Riles.” Hinintay ko kung may kengkoy na magta-translate ng lyrics ng kanta pero wala naman.
Nagsimula na nga ang isa sa aking adiksyon… Ang Pinoy Big Brother. Isang salita lang ang masasabi ko… Wendy…
Sa ngayon nararamdaman ko na ang hirap ng namumuhay ng mag-isa. Ikaw ang taga-laba, kakain ka sa karindirya, dahil ayaw mong mag-luto, todo tipid para lang makainom dahil wala ka nang hihingan ng pera, mamumroblema sa pambayad sa bahay. Minsan naiisip ko nang bumalik ng bahay pero kailangan kong panindigan lahat ‘to para sa sarili ko. Pero kahit papaano nababawasan yung lungkot ng pagiging mag-isa sa pamamagitan ng mga postcards na pinapadala sakin ng mga kaibigan ko sa Cavite. Paminsan-minsan nagpapadala rin ako ng mga postcards kung saan ipinapakita ang mga main attraction dito sa Mandaluyong katulad na lang ng Mental Hospital, na sa tingin ko naman ay naa-appreciate naman nila. Kung may isang bagay man na hindi nabago sa pamumuhay kong mag-isa, yun ay ang pagiging late ko sa pag-pasok. Kung tutuusin ay kayang kayang lakarin ang opisina mula dito sa tinitirahan ko pero nale-late pa rin ako. Pinaka-late na ang isang oras. Walang pinagkaiba nung umuuwi pa ko sa Cavite. Pero kahit papaano sinisikap ko pa rin na tanggalin ang ugali kong pagiging late. Kung kailan maaalis yon hindi ko na alam.
Sabay text ng isang kaibigan…
“Tuwang-tuwa si Congressman Pichay sa survey ng Malacañang kasi no. 4 na siya! Narito ang Top 3:
1.Talong
2. Kalabasa
3. Sitaw
Say Chiz….

Post a Comment