Kasalukuyan akong busy nang biglang sumakit ang ulo ko dahil sa kapal ng schedule na kailangan kong i-review. Napag-pasyahan kong sumaglit muna sa friendster at nakita ko ang ad na ito: "Marry a USA Man…Live your dream life in USA, Filipina Girls Join Free… www.cebuana.com.” Makikita sa ad ang isang malaking pusong pula at isang napaka-tandang kano na nakangiti na parang punong-puno ng libog. Anaknamputa! Ganito na ba talaga kababa ang tingin ng mga ibang lahi sa mga gels dito sa pinas? Minsan kung iisipin natin, ay unti-unti nang nauubos ang mga exotic (a.k.a. mukhang-katulong) na mga pinay dito sa Pinas (FYI: hindi sa pagmamayabang pero yan talaga ang trip ng mga foreigners, yung mga TIM YAP – Tang Inang Mukha Yan Ang Panget! salamat kay ihatecofi sa naturang expression! Galing mo tol! ) Kung tutusin mas nakabubuti pa sa kanila ang mga ganitong mga sitwasyon dahil kahit papano ay umaahon sila sa kahirapan. Yon ay kung tunay na pagmamahal ang makukuha nila. Good luck na lang. Syempre hwag nating alisin ang realidad na pwedeng hindi pagmamahal ang hanap ng mga kumag na yon. Pero naisip ko na malamang mga pinoy din ang nasa likod ng ad na ‘to dahil sa “Marry a USA Man” at sa “Filipina Girls Join Free” wrong grammar kasi.
Alas syete na ng gabi habang sinusulat ko ang blog na ‘to at panay pa rin ang ring ng telepono dito sa opisina. Hindi siguro alam ng tumatawag ang salitang “Office Hours.” Pinag-isipan kong mabuti kung call center itong opisina namin. Hindi nga pala. Construction firm nga pala ‘to. Tumigil sandali ang pagri-ring at maya-maya’y nagri-ring na ulit. “Bahala ka sa buhay mo! Ulul!” sa isip-isip ko. Maipost na nga ‘tong blog na ‘to at makauwi na! Leche!

Post a Comment