Kamakailan lang ay umatend ako ng 80’s themed na party. Required ang costume pero dahil wala akong kahit anu mang damit na pang-retro. Naging K.J. muna ko pansamantala at nag-simpleng polo shirt lang at maong. Katwiran ko, I’ve got the 80’s hair naman e. Tapos Lacoste naman yung shirt ko, kaya pinapasok na rin ako. May kakaibang sensation ang pagdalo ko sa 80’s party na yon dahil iba pa rin ang 80’s. “The Golden Decade” ika nga. Marami-rami na rin ang nagtataka kung talagang 1984 ako pinanganak. Siguro dahil pati 70’s, 60’s at minsan pati 50’s mejo alam ko. Sa mga nais manghingi ng kopya ng Birth Certificate ko para mapatunayan kong 1984 nga talaga ang Birth Year ko, malugod akong magbibigay ng kopya. Kahit yung certified pa ng NSO para mas ok. May nakapag-sabi sa akin na “Old Soul” daw ako. Kung may kinalaman yon sa kanyang panrelihiyong pananaw sa buhay o kung kamag-anak man nya si Madam Auring o si Madam Rosa ay hindi ko na alam. Pero sa tingin ko ay may punto sya. Kaya nga siguro kulot ang buhok ko ay dahil na rin makaluma ako. Para nga naman sunod sa uso nung mga panahon na yon.
May napanood akong video sa You Tube. Bagets! Sa totoo lang hindi ko pa ‘to napapanood pero mukhang cool. Partikular kong napanood ang eksenang dance floor kung saan may mga moves sina Herbert Bautista at Aga Mulach na hindi basta-basta magagaya ng hindi nanggaling sa panahon na yon. Habang nangyayari yon ay kasalukyang nalulunod sa pakiki-paghalikan si Willam Martinez sa hindi kilalang nilalang. At nang makita nya si Yayo Aguila, agad nitong hinatid pauwi ang kahalikan at bumalik upang makasayaw si Yayo. Wow! Syet! True Lab!
‘Hwag ka na magtanong! Ok lang ako! Wala na rin naman akong magagawa dun e. Kahit gustuhin ko mang magalit, hindi naman dapat. May mga bagay lang na hindi ko mapaniwalaan pero pilit ko na lang iniintindi. May mga bagay na nakakatawang isipin na mangyayari pero nangyari. May mga bagay na alam kong hindi natin parehong maiintindihan kung pareho tayong magpapaliwanag. Baka nga ganun talaga ang kakahinatnan ng sitwasyong ‘to. Nangyari na ‘to dati. Tinawanan ko lang…. Teka… Pinroblema ko muna pala bago ko tawanan. Pero ngayon, nasanay na siguro akong tawanan na lang! Tumatawa ako pero galit ako… Hahaha! Nakakatawa…

Post a Comment