May 14, eleksyon. Eksaktong isang linggo na ang nagdaan, wala pa ring resulta sa kung anu mang dayaan ang naganap nung nakaraang Lunes. Marami-rami ring mga taga-Cavite ang naka-tanggap ng “blessing” nung nagdaang elekasyon. Salamat sa isang congressional candidate at nagkaroon na naman ng panawid gutom ang ilang mga CviteƱo. Sa pangkalahatan, nakakatuwa na kahit papaano ay naging matalino ang mga mamboboto sa pagpili ng mga kandidato. Sa totoo lang ikinatakot ko ang pagtakbo ni Manny Paquiao dahil baka manalo sya dahil sa kasikatan. Pero hindi naman. Wala akong sinasabing minamaliit ko ang kakayahan ni Manny na maging isang pulitiko pero… talagang hindi aarok e. Mag-boxing na lang sya o kaya ituloy na lang nya ang paggawa ng commercials.
Isa sa mga kasama ko sa ibaba (alam ko kilala mo na ang sarili mo pagkatapos mong mabasa ‘to) ang naaaddict sa “Ever After.” Sa hindi malamang kadahilanan, pinapaulit-ulit niya ang tugtog na ‘to. Paborito ko naman ang Ever After pero kung mga apat o limang beses mong papatugtugin ng sunod-sunod, ewan ko na lang kung hindi maging dugo ang luga mo sa tenga. Nararamdaman ko na nagsasayaw sya sa naturang tugtog kaya hindi ko na pinansin ang paulit-ulit na tugtog na yon. Kung yon ang paraan upang matuyo ang kumot na nauna niyang labhan, hindi ko alam. Sorry pare ha, anything goes sa blog na ‘to. Kung gusto mo gawa ka ng blog mo pwede ka gumanti. Hehehe.
Wala akong kahit anung pagtutol sa mga Filipino films. Kung tutuusin ine-encourage ko ang mga tao sa manuod nito. Pero kung ang papanoorin mo naman ay ang mga ganitong pelikula: Apoy sa Dibdib ng Samar naknam! Mapapamura ka talaga! Hindi ko alam sa mga “Award-winning” na kasali sa pelikula na ito kung bakit kailangan nilang patusin tong mga ganitong klaseng pelikula. Kung ginamit lang siguro ni Mark Lapid ang mga linya nya sa pelikulang ito baka nanalo siya nung nakaraang eleksyon.
“Oo. Inaamin ko, Saging lang kame. Pero maghanap ka ng punosa buong Pilipinas, Saging lang ang may puso! Saging lang ang may puso!”
-Mark Lapid, Apoy sa Dibdib ng Samar
Ngayon alam ko na kung bakit sya natalo nung eleksyon.

Post a Comment