Bakit nga ba minsan may nagagawang katangahan ang mga tao pag dating sa simpleng issue ng pag-ibig? Minsan hindi na pala natin namamalayan na wala na tayo sa realidad. Nawawala na ang sentido komon (common sense). Simpleng bagay na alam naman natin na kahit pag-bali-baligtarin man ang mundo, wala talaga… hindi talaga pwede.

Katigasan ba ng ulo? Hinde eh. Makulit? Hindi rin siguro. Nasa normal at tamang pag-iisip naman, alam na walang katuturan ang ginagawa. It’s all rubbish. Pero siyempre, sige pa rin, nagbabakasakali na makikita ang effort at pagti-tiyaga, baka sakaling makalusot. Baka sakaling may pasang awa dahil sa kasipagan.

“There’s always that one person who will always have your heart, you will never see it coming ‘coz you’re blinded from the start”
-usher “My Boo”

Sa kabila naman ng pagpu-pursigi, na kahit nga papunta sa wala ang lahat, sige pa rin. Siguro yung ideya lang na nandito lang, pakalat-kalat lang sa paligid. “No Touch” kumbaga. Makita lang solved na. Hindi lang pala solved, high pa! Malupet no? kung iisipin, wala namang espesyal o kakaiba sa kanya, pero ganun talaga.

Tapos may makitang masakit para sa sarili, sige pa rin. Lupet talaga. Makagawa man ng kasalanan, naiisip pa lang, napatawad na. Ganun talaga eh, bawat kilos nya tama, bawat galaw niya tama, lahat sa kanya tama, kahit alam mo na na mali, para sayo tama pa rin. Fuckin’ shit! Iba talaga ang tama!

“hwag kang mag-alala, di ako luluha, kung may kapiling kang iba, ‘di na pipilitin pa itong damdamin ko sa’yo medyo maninibago, pero ayos lang sa ‘kin ‘to.”

-soapdish “Pwede ba?”

May panibago akong dictum: “Ang nagsasasama sa taong senti, ganito ang nangyayari!”