Simula nang ipalabas ang pelikulang Transformers hanggang sa araw na ito, tatlong beses ko na 'tong napanood. Addict na kung addict pero ganun talaga. Maya-maya'y binabalak kong muling manood. For the fourth time. Sa totoo lang hindi ko alam kung anong nangyari at iba ang dating sa akin ng Transformers na 'to. Shet. Malupet na CGI, at tamang insertion ng komedia. Para sa mga late 80's kid na kagaya ko, isang natupad na pangarap ito. Simula sa cartoon version nito noon sa channel 9 hanggang ngayon sa panahon na posible ang lahat sa mundo ng sine. Hindi ko mapigilang mangiti at parang bumalik muli ako sa pagka-elementary habang tinitignan ang mga sasakyan na nagiging robot.

Unang panood ko ay noong 28 ng umaga. Oo, ako ay isa sa mga pinakaunang nakakita ng pelikula sa buong mundo (una pa sa mga kano! bwahahaha!). Napansin ko na mas maraming tatay sa mga manonood kesa sa mga kabataan. Napaghahalata kung sa anung henerasyon sumikat ang naturang franchise. Naramdaman kong tumalon ang puso ko ng una kong marinig ang tinig ni Optimus Prime. T@ng ina ng nakaisip ng mga detalye ng pagta-transform nila. Ang lupet! Nang una kong marinig ang "eeeh aah ooh uhh akk" na sounds, parang gustong tumulo ng luha ko sa tuwa at galak na nararamdaman ko.

Sa pangatlo kong panonood ng pelikula, mas lalo kong na-appreciate ito dahil sa THX cinema sa Glorietta ko ito pinanood (Cinema 6). Nakakalag-lag ng puso ang dagundong ng tunog sa loob ng sinehan. Mas lalo kong naramdaman ang "eeeh aah ooh uhh akk" sounds.

Sige, siguro dito na lang muna. At manunood na ulit ako ng pang-apat na beses.

Oo addict na kung addict! Walang pakialamanan!