
Simula nang ipalabas ang pelikulang Transformers hanggang sa araw na ito, tatlong beses ko na 'tong napanood. Addict na kung addict pero ganun talaga. Maya-maya'y binabalak kong muling manood. For the fourth time. Sa totoo lang hindi ko alam kung anong nangyari at iba ang dating sa akin ng Transformers na 'to. Shet. Malupet na CGI, at tamang insertion ng komedia. Para sa mga late 80's kid na kagaya ko, isang natupad na pangarap ito. Simula sa cartoon version nito noon sa channel 9 hanggang ngayon sa panahon na posible ang lahat sa mundo ng sine. Hindi ko mapigilang mangiti at parang bumalik muli ako sa pagka-elementary habang tinitignan ang mga sasakyan na nagiging robot.
Unang panood ko ay noong 28 ng umaga. Oo, ako ay isa sa mga pinakaunang nakakita ng pelikula sa buong mundo (una pa sa mga kano! bwahahaha!). Napansin ko na mas maraming tatay sa mga manonood kesa sa mga kabataan. Napaghahalata kung sa anung henerasyon sumikat ang naturang franchise. Naramdaman kong tumalon ang puso ko ng una kong marinig ang tinig ni Optimus Prime. T@ng ina ng nakaisip ng mga detalye ng pagta-transform nila. Ang lupet! Nang una kong marinig ang "eeeh aah ooh uhh akk" na sounds, parang gustong tumulo ng luha ko sa tuwa at galak na nararamdaman ko.
Sa pangatlo kong panonood ng pelikula, mas lalo kong na-appreciate ito dahil sa THX cinema sa Glorietta ko ito pinanood (Cinema 6). Nakakalag-lag ng puso ang dagundong ng tunog sa loob ng sinehan. Mas lalo kong naramdaman ang "eeeh aah ooh uhh akk" sounds.
Sige, siguro dito na lang muna. At manunood na ulit ako ng pang-apat na beses.
Oo addict na kung addict! Walang pakialamanan!

ako naman kinilabutan ako ng marinig ko ung voice ni optimus prime hehehe... lupet grabe..... @ mhyk, magkakaksundo tau dito nyahaha... galing lahat.. nadismaya lang ako kay soundwave... iba cya.... pero ok na rin..... tska si starscream lupet ng aerial stunts.... kung ikaw eh pang 5th na pwes ako pang 10 na bukas after ko panoorin ung die hard 4
waaahhh astig talaga ung transformers... as in bilib din ako sa mga gumawa... pang oscars movie of the year na!!! yap talagang nakakatawa rin at naka elib ang mga robots... parang gusto ko na mag karoon ng sariling transformer... at isang matindi don nag re wrestling ang mga robot astig... at ung nagtatago sila dun sa bahay nakakatawa talaga... i had so much fun viewing the movie... once ko palang napapanood pero i guess worth it talaga... mhyk my ringtone ako nung "eeeh aah ooh uhh akk" na sounds pag nagkita tau padala ko sau... okidoki... chow!
@ les!langya ka pare! akala ko ako na ang pinaka addict. mas addict ka pa pala! hahaha!
@tony kunin ko yung ringtone mo save ko sa 3310 ko! nyahahaha
i beg to disagree.... the film was a bit off... to tell franckly way too off.... the was no such thing as the cube in the 1st generation nor 2nd gen of transformers... its true that they crashed to earth... but megatron never froze... bumble bee was never AND NEVER will be a CAMARO... gezz to think one of the oldest to live in transformers is a CAMARO... there was a point why bumble bee was a beetle... and also megatron never died in earth but in space and its not the autobots that killed him it was starscreem... i can never forgive movies destroying classics... they should just change the title if there planning to change the story line...
come on marco! i know you just wanna get off the hook! pero alam ko deep inside of you maganda tong film na to! bwahahaha! anonymous pala ah!
Post a Comment