Kahapon lang ay napanood ko ang palabas na “Ang Pinaka” sa Q tv. Nakakatuwa ang ipinalabas nilang topic. Ang top ten na New Year’s Resolution ng mga pinoy. Sinubukan kong manood at hindi nga ako nagkamali ng hinala. Halos lahat ng nasabi ng host ay tama sa akin. Isa lamang patunay na ako nga ay isang pinoy. Gaya ng nakaraang taon, mangangako na naman ako na tutuparin ang mga “New Year’s Resolution” na ito na hindi ko sinisiguro sa sarili kong matutupad lahat.
1. Maging matipid-marami akong blessing nitong nagdaang 2007. Pero sing dami ng blessings na yon ang mga tukso upang waldasin ang mga blessings na yon.
2. Maging health-conscious-sa totoo lang ngayong 2007 lang ako lumaki ng ganito. Kain dito, kain do., Inom dito, inom don. Puyat dito, puyat don. Iiwasan ko nang lahat ng ‘to (o sige pwera na lang yung inom). Susubukan ko na rin mag-exercise. Katunayan bumili na ko ng running shoes, na pwede ring pang-porma just in case na tamarin akong mag-jogging.
3. Matutong mag-drive at ng isa pang skill-last year ko pa objective ang paga-aral mag-dive pero sobrang busy kaya walang time. Nahiya lang ako sa sarili ko dahil may mga mas bata pa sakin na sila pa ang nagda-drive para sa akin. Sinubukan ko na ring simulan ang pag-aaral ng Portuguese kaso tinamad ako sa pagsunod sa module na nakuha ko.lalo lang akong na-dismaya ng malaman kong wala masyadong school na malapit sa akin na nagtuturo ng nasabing language. Kaya pinagiisipan ko kung Spanish na lang o sex education ang pag-aaralan ko ngayong 2008.
4. Maging driven-susubukan kong hindi na tamarin sa trabaho. Uulitin ko… SUSUBUKAN…
5. Maging on-time- promises are meant to be broken…
6. Iwan ang negative happenings ng 2007-mahirap man gawin pero kailangan. Mahirap na! baka lalo lang lumala ang galit ko sa mundo.
7. Maging closer kay God-mejo naging “career-oriented” and 2007 sa kin at medyo hindi ako masyadong nakakapag-bonding sessions sa kanya. Kaya sana this year maging mas close kami.
8. Control my temper-maraming nakapuna ng pagiging mainitin ng ulo ko nitong huling taon. Siguro dahil sa pressure ng lahat ng bagay sa paligid ko. Susubukan kong huwag idamay ang ibang tao sa kaguluhan ng isip ko.
Sa mga kaibigan kong makakabasa ng kabalbalan kong ito. Nais kong hingin ang kooperasyon niyo upang maabot ko ang mga PANGARAP na’to. Gaya nga ng sabi ng mga brochure ng motels, prices are still subject to changes without prior notice. Same principle applies to this crap.
Maraming dapat ipagpasalamat sa nagdaang year 2007. Mas maraming dapat na abangan para sa 2008. Nawa’y tayong lahat ay suwertehin at maging magandang taon to para sa ating lahat.!!!
PUTUKAN NA!!!!
Post a Comment