Woohoo!!! Eto na naman ang inyong resident reklamador. Nakaisip na naman ngmga bagay-bagay na karekla-reklamo. Whew!! Matagal-tagal din na hindi nakasulat. Daming kailangang tapusin at maraming napagdaanan. Nais ko na ring kunin ang pagkakataong ito upang magpasalamat sa lahat ng tumulong sa aming pamilya sa nakaraang unos. Cheers peeps!!!
Balik pang-gabi na naman ako. Sa isang banda mas ginusto ko na rin ang ganitong pagkakataon upang mas lalong makapag-pahinga. Pakiramdam ko iba ang pagod ng pang-umagang trabaho. Pero hindi yon ang reklamo ko.
Habang papunta ako sa site galing sa head office upang sa aking ikalawang araw na pang-gabi. Sumakay ako sa bus at nagkataong ang bus na ito ay may TV. Kasalukuyan noong pinalalabas ang concert ni Michael Jackson na nasa tantya ko aynasa bandang late 90’s. Hindi ko lang maintindihan kung bakit kailangang ipakita sa video ang mga naglulupasay na mga babae at mga nawawalan ng malay sa concert. Sa isangdaang porsyento siguro ng palabas, mga walompung prosyento dun ay mga nahimatay at ang nalalabing dalawampung porsyento ay ang mismong performance ni Michael. Sana pinalitan na lang ang titulo ng palabas. “How to kill oneself during a concert.”
Maraming salamat sa napaka-talinong tao ng Manila City Hall sa panibagong pagpapahirap na ginagawa niyo sa buhay ng mga estudyante at manggagawa na umuuwi sa probinsya ng Cavite. Kakatapak pa lang ng bagyong Frank sa Maynila ng maisipan ng mga kumag na ito na palitan nanaman ang ruta ng mga Bus na papuntang Cavite. Nung una ay sa Lawton, nang maupo ang kasalukuyang alkalde, nailipat ito sa Vito Cruz. At kamakalilan nga ay nailipat naman ito sa may Quirino. Hindi ba naisip ng mga matatalinong nilalang na to na mas konbinyente lalo na samga mag-aaral kung ang sakayan pauwi ng probinsya ay nasa Lawton? Ang resulta? Dagdag na pamasahe na nangangahulugang dagdag gastos para sa mga mag-aaral. Hindi pa sila natuwa sa paglipat ng sakayan, inilipat pa nila ito ng walang kaukulang anunsyo o karatula man lang sa dating dinadaanan ng mga bus na ‘to. Maraming mga pasahero ang naghahantay sa Vito Cruz na basang-basa sa ulan na dulot ni Frank (cue: Basang-Basa sa Ulan by Aegis). May dalawang oras din akong naghintay kasama ang mga walang kaalam-alam na mga pasahero sa naturang pangyayari. Marahil hindi kaya ng kanilang mga tamad na katawan ang gumawa ng karatulang nagsasabing nalipat na ang hintayan ng sasakyan patungong Cavite.
Napadaan ako kamakailan lamang sa may C5 papuntang The Fort. Matatapos na pala ang ginagawang flyover dun. Sa tuwing nakikita ko ang drawing ng proyektong yon ay natatawa ako. Hindi ko inakalang mas hahagalpak ako ng tawa nang makita kong malapit na itong matapos. Hindi ko talaga makita ang lohika ng takbo ng flyover na yon. Talaga naman!!! Makahanap lang mapapagka-kitaan at mapapag-kagastusan. Hay naku naman!!!
Sa mga best friend kong politico… PUT@! Napakaga niyo naman mangampanya!!! Ganitong date pa lang nakikita ko na ang mga pagmumukha nyo sa TV!!! Grabe… Kaninong pera ba yan?
Post a Comment