Ito ang uri blog na pantugon sa tinatawag na "writer's block."
Nostalgic Food Trip
Hindi ko inakalang makikita ko pa ang pakain na 'to. muntik na akong umiyak sa tuwa nang makita kong buhay pa ang mabaho ngunit masarap na produktong ito.
Gaya ng naunang produktong nabanggit, hindi ko rin mapigilan ang maiyak sa tuwa nang makita ko ang produktong ito.
KDL, ito ang sinasabi namin ni Justin Ray sayo nung isang araw. "THE" Lala milk and chocolate. Mas humagulgol ako ng iyak nang makita ko ito. Nang dumating ang sandaling lumapat ang tsokolate sa aking bibig at matikman ko ang naturang produkto, ninais ko nang mamatay dahil parang nakamtan ko na ang lahat.
Pa-cheese burger ka naman!!!
Hindi ko inasahang pati sa mga bus ay makakarating ang mga "pa-burger ka naman" ads na ito. Pero nais kong i-commend ang kalupitan ng isip ng nakaisip nito.
Naka-pwesto ito sa upuang nasa tabi ng bintana. Tamang-tama kung nasa "MTV" mode ka hbang nasa bus. Nakatingin ka sa malayo sa bintana. Mas additional effect kung umuulan sa labas.
Hindi bastos!
Sa aming construction site. Hindi ko napigilang humagalpak ng tawa nang makita ko ang pangalan ng business nila. Iniisip ko tuloy kung paano nakalusot ito sa S.E.C.
Do the math!
Sa isang poste somewhere in QC. Oo nga naman... May point siya.
Post a Comment