Hindi ko alam kung anung meron si Claire Dela Fuente at sa tuwing nakikita ko ang kanyang mukha sa mga bus katabi ang mga katagang “Ride na po!” ay nagi-init agad ang ulo ko! Bakit kailangang lagyan pa ng pauso ang mga bus na yun? At sa dinami-dami naman ng pwedeng modelo, si Claire Dela Fuente pa… Aba! Teka… hindi kaya nahuhulog na ang loob ko sa kanya…
Sinubukan kong hanapin ang mukha ni Claire Dela Fuente sa internet. Napadpad ako sa Multiply site niya. Oo, hindi ka namamalik-mata! May Multiply site sya! Nangangati ang kamay ko na i-add siya pero sa isang banda naisip ko kung ia-add ko siya at kung mababasa man niya ang post kong ito, baka umabot pa kami sa korte at idemanda niya ako ng paninirang puri.
Bumantad sa akin ang pagmumukhang ito. Sa totoo lang humahanga ako sa photographer nito. Nabigyan niya ng misteryo ang mukha ni Claire. Sa totoo lang pag pinagmamasdan ko ito, nahihiwagaan ako dahil hindi ko alam kung gusto niya ba talagang tumawa o iiyak na siya. Parang gawa ni Da Vinci na Monalisa. Hindi mo malaman kung lalaki ba si Monalisa o lalaki. Siguro sinundan lang niya ang konsepto ng bagong album (oo! Hindi ka ulit namamalik-mata. May album siyang bago) na pinamagatang “Something In Your Eyes.” Naisip ko tuloy hindi kaya napuwing si Claire during photoshoot nito, kaya ginamit ni Richard Carpenter ang katagang “Something In Your Eyes.” Kasi kung tatagaluin nga naman natin ang katagang yon ay magiging “May Ano Ka Sa Mata.”
Nakatikim ka na ba ng “Gago?” Gago ka kung iisipin mong bastos ang mga katagang binitawan ko. Naikwento sa akin ng aking kasamahan sa trabaho ang araw nang utusan siya ng boss niya na bumili ng apat na Gago.
Si Boss: Pakibili mo nga ako ng apat na Gago.
Si Kasamahan: (gulat!) Ano po sir???!!!
Si Boss: Apat na Gago!
Si Kasamahan: Ahh… o sige po… (tawag sa supplier) Mam… may Gago po kayo??
Supplier: Ahhh meron po…
Si Kasamahan: (relieved na meron pala talagang ganon) Ahh sige po.. Pabili po ako ng apat na Gago!
Isa pala itong wine. Laking tawa ko nang makita ko ang apat na Gago. Sabi ng boss namin ay masarap ang Gago. Nag-research ako at marami ngang reviews sa Gago na nagsasabing masarap ito. Masubukan nga…
Utang na loob. May nakakakilala ba rito kay Boy Abunda? Nananawagan ako na bigyang hustisya ang kanyang sarili sa kanyang bagong pakulo…
Post a Comment