Isang araw, may dalawang mag-kaibigan ang naglalakad nang may biglang makitang kakaibang puno ang isa sa kanila. Tinanong niya ang kasama niya,
Tol 1: “’Tol, anung tawag sa punong ‘yon? (sabay turo sa kakaibang puno na may kulay brown na bunga)
Tol 2: “San ‘tol?”
Tol 1: “Ahhh…”
Tol 2: “??????!!!!!???!!!???…”
At magmula noon, tinawag na ang puno na yon na Santol.
Joke joke joke!!! Buti pa ang mga ganung sitwasyon. Ang sarap tawanan. Sana lang lahat na ng sitwasyon sa mundo ay isang malaking joke time.
Nagpunta ako sa opisina upang sapilitang magbuno ng pawis. Bigla akong tinawag ni big boss at mayroon lang daw kaming pag-uusapan. Pagpasok ko ng opisina niya nagulat ako dahil dumating si bigger boss, si boss ng kabila, at si biggest boss. Kahit papano kalmado pa rin ako dahil nagkakabiruan pa rin naman kami ng mga ‘to. Si biggest boss na kasama ko sa pagpapapayat ay ang unang nagsalita.
Biggest Boss: “Mhyk, tumaba ka pare.”
Ako: “Oo nga sir eh. Kitang-kita ba?”
Biggest Boss: “Oo pare! Ako rin eh.” (sabay tawa ng malakas)
Umupo kami sa round table. Kumuha ako ng papel at sign pen (oo hanggang ngayon sign pen na pilot pa rin and gamit ko…high skul!!!). Maya-maya sinabi ng boss ko na isasama raw ako sa bagong project ng kumpanya. Sa isip isip ko ok lang. Maya-maya sabi ni bigger boss: “ikaw ‘to ah!” sabay eksplika na ibinibigay nila sa akin ang mas malaking responsibilidad. Ahhh. Teka.. Ibinibigay pala nila sa akin ang pinakamalaking responsibilidad na maaari kong gawin sa buhay ko. Hinihintay ko silang magtawanan pero walang nangyaring ganoon. Naghintay pa ako ng konti baka sumigaw si boss ng “joke joke joke!!!” pero wala pa rin. Hindi pala joke yon. Sa isang banda ay masaya ako dahil hindi ko inakalang ipagkakatiwala sa akin ang ganong responsibilidad. Pero saglit na saglit lang ang pakiramdam na yon dahil agad naman akong nagising sa katotohanan nab aka hindi ko kaya ang panindigan ang ibinibigay nila sa akin. Sa bagay naman sabi ni boss susuporta daw siya. Kaya sige lang. Game lang may backer naman ako.
Dumalaw ako sa dati kong project sa may Taguig. Ayaw ko mang magpunta sa mismong opisina pero kailangan dahil may mga niluluto akong mga bagay bagay na kasama dun ang pagtambay sa opisinang yon. Lumapit ang babaeng dahilan ng pag-alis ko sa proyektong yon. Binatukan pa ako. Sa isip isip ko joke time ba ‘to? Ito ang unang pagkakataon na nag-usap kami matapos ang nangya sa amin noon. Hinihintay kong mag-alis siya ng maskara at sumigaw ang lahat ng nasa opisina ng “Joke joke joke!!!” pero hindi yon nangyari. Hindi ko na lang siya pinansin (pero nakangiti ako-tang ina kinikilig si gago) dahil may ginagawa ako nung mga panahon yon. Umalis na siya dahil hindi ko nga kinakausap. Napahiya ata. Nagkantsawan sa opisina. Tinatawanan ko na lang sila. Makalipas ang ilang saglit bumalik siya sa kinauupuan ko at hinila ang damit ko. May sasabihin daw siya at dun daw kami mag-usap sa labas. Sinabi kong bakit kailangang lumabas pa at hindi pa sa opisina. “Siguro na-miss mo ko…ayaw mo pang iparinig sa kanila” pero may kakaibang lakas ang babaeng ‘to at nahatak niya ko sa labas. Dun kami nag-usap. Seryosong usapan pala ang hanap niya. Wala na raw siyang masabihan at ako lang ang naisip niyang pwedeng kausapin. Sa isip isip kobakit hindi ka dun sa boyfriend mo makipagusap gago ka. Tinititigan ko lang siya habang nagku-kwento. Kilala ko na siya. Kailangan pagnagku-kuwento siya kailangan makikinig ka lang dahil dire-diretso siya magkwento. Kung gusto mo magsalita, hintayin mo muna siya matapos. Iniisip ko kung alam kaya ng boyfriend niya ngayon yon. Tang ina niya! Tinititigan ko lang siya, unang pagkakataon simula nang maghiwalay kami ng landas. Nung mga kapanahunang yon medyo mataba pa siya. Siguro dahil sa pagpapalamon ko sa kanya. Pero ngayon pumayat siya. Uhh… gumanda rin kahit papano. Hinawakan ko ang dibdib nya at hinalikan ko siya ng todo. Kung saan saan na rin napupunta ang kamay niya habang naghahalikan kami nang bigla niyang hawakan niya ang aking nooy naghuhumindig nang kargada… Teka… Xerex na ‘to ah! Erase erase!!!!
Ganun lang kami sa mahigit isang oras. Hinahayaan ko lang siya magkuwento. Minsan paiyak na siya. Natataranta ako pag nakikitang napupuno na ang mata niya pero buti naman at hindi naman natutuloy. Sa huli binalik ko lahat sa kanya ng tanong niya sakin. Gusto kong marealize nya sa sarili niya kung anong dapat gawin niya. Walang katulad ko ang palaging nasa tabi niya upang making sa kanya (naks!). Sa bagay kasalanan naman niya yun dahil pinili niya yung ungas na yun kesa sakin. Kung mabasa mo man ‘to. Isa lang ang nakikita kong solusyon sa problema mo. GROW UP! Kung inaakala mong mature ka na, baka hindi pa. Pagdating sa maturity, hindi ikaw ang magdidikta na mature ka na. Ibang tao ang judge mo pagdating sa ganung bagay at hindi ang sarili mo. Kung tingin mo sobrang matured ka na pero tingin ng iba hindi pa, then hindi ka pa talaga totally matured. Kaya hindi ka sineseryoso ng mga tao sa paligid mo. Marami ka pang dapat ayusin sa sarili mo as a whole. Hindi ko lang nasabi sayo dahil sa tsismosong guard na alam kong nakikinig naman sa usapan natin at kuna-kunyarian lang na nagsusulat sa log book niya. Hindi joke ang lahat. Hindi laro…
Engr. and Mrs. Patrick and April Agbayani. Congrats sa inyo! Best wishes mula sa inyong kumpare. Nawa’y tumigil na sa kamanyakan si phats! Kung bakit ako na-late sa kasal niyo ay kailangan ko pang isulat itong blog na ‘to. This is it pare! Hindi na ito joke! kita-kits!!!
Post a Comment