Paakyat ng bundok… As usual, ang hirap. May mga silent moments. Dun ko lang na-realize na I’ve been missing somebody. Kaya ayoko ng silent moments eh. Sinasabi ko na nga ba walang magandang maidudulot ang huli naming pagkikita. Sana nasa tabi ko lang siya. Kausap ko lang. Kasabay ko sa hirap na dinaranas ko sa kasalukyan. Siguro lang kung kasama ko siya sa mga panahon na yon, malamang naririndi na ko sa dami ng reklamo na sunod-sunod na lumalabas sa bibig niya. Ganun naman siya eh. Panay ang reklamo, pero sa bandang huli kaya naman pala. Yun ang namimiss ko. Yung matining niyang boses. Nakakarindi. May pagkabulol dahil sa pagsabit ng dila niya sa ngalangala niya o di kaya dahil sa retainers niya. Hindi na rin naman mahalaga kung paano siya nabubulol pero ang alam ko lang nami-miss ko ang bulol na yun. Siguro kung andito yun, sobrang hirap na hirap na ako malamang. Kasi sigurado bitbit ko pati gamit niya. O di kaya siya na mismo ang bitbit ko. Sigurado pinagmumumura na ko nun dahil sa hirap na nararanasan niya. Nakakamiss ang pagtalsik ng laway niya…

Gusto ko sana lumabas kami uli. Kuwentuhan ulit over her favorite siopao and siomai. Malamang hindi nanaman ako makakasingit sa kanya dahil for sure hindi na naman ako makakasingit sa haba ng kanyang mga kuwento. Magtatanong siya ng suhestyon ko sa mga bagay-bagay pero bago ko pa man maibuka ang bibig ko, naikwento na niya ang side niya, at kasunod nun iba namang topic. Wala na. Nabaon na ako sa limot. Lahat ng moment sa kanya. Pero hindi ko minamasama yun. Gusto ko nga eh. Kahit maghapon lang akong nakatitig sa kanya at nakikinig sa mga kuwento niya na minsan naitatanong ko sa sarili ko, “hindi kaya bina-barbero na lang ako nito?” Pero ayos lang.

Bakit nga ba hindi nag-work? Minsan gusto ko siyang tawagan sa cellphone para lang tanungin. Ok naman kami. Masaya. Hmm, di ko masabing “exclusively dating” pero by that time naman wala siyang dine-date (sa tingin ko) at wala rin akong dine-date (sa tingin niya). “Kung hindi ka lang nagmadali gago ka!” sabi ng aming common friend na noon ay nagsisilbing tulay naming dalawa. Kasalanan ko bang hindi mapigilan ang aking naga-alab na damdamin. Kasalanan ba ang pagiging mapusok? Ang tanging naging kasalanan ko lang ay ang umibig ng lubusan (naks!). Ayun! Ang kinalabasan… Wala! Pero at least hindi ako umiyak… Sa harap niya… Masasabi ko sa kanya na ni minsan hindi ko siya iniyakan (kasi hindi naman niya ako nakita).

Pero it was really nice talking to her again. After so looooong time. After ko siyang sermonan sa nauna kong blog (see post: joke joke joke!!!). Kahit dati pa naglalaway na akong kausapin siya, pero meron talaga sa utak ko na pumipigil na gawin yon. At sa tuwing nasa paligid si mokong, nara-rattle ako. Di alam ang gagawin. May projected image ako palagi na galit ako para ma-intimidate siya at hindi na ako pansinin. Dahil alam kong simpleng “hi” niya lang ay all systems crash na ako.

Sa muli nating pag-uusap, I hope all things straighten up with us. Balik sa simula. Alam ko namang hanggang dun lang tayo e… Friends… At least kahit papaano ok na rin tayo. Malay mo… Malay ko... Malay natin…