Kung babalik ka sa High School, kung saan babata ang iyong katawan, ang iyong itsura, ang lahat-lahat maliban lang sa isang bagay, kung ano ang utak mo ngayon (nalalaman, alaala, talino), yun pa rin ang dadalhin mo pag bumalik ka, ano ang una mong gagawin mo at saang particular na panahon nung high school ka babalik? Ito ang napag-usapan namin ng isang kaibigan simula pa nung high school nang makainuman ko siya kanina lang. Natatawa lang kami pareho nang mabanggit ko sa kanya ang naturang katanungan. Marahil dala na rin ng muli naming pagsasama ni Red Horse at naiisip ko ang ganitong uri ng tanong. Mas lumalabas talaga ang aking angking katalinuhan kapag may Red Horse na dumadaloy sa mga ugat ko. Pareho kaming nag-isip ng sagot sa naturang katanungan. Hindi ko na lang isisiwalat ang kanyang sagot dahil baka idemanda nya ko ng libel kapag pinagkalat ko ang sagot niya. At isa pa, sigurado namang ide-deny niya ang kung anumang sinagot niya kagabi. Isa kasi siyang politician kaya mahirap na.
Hindi ko sinagot ang tanong sa kadahilanang gusto ko lang naman siyang lamangan. Baka sakaling makakuha ako ng sagot na pwede kong ipang-blackmail sa kanya. Pero habang nasa daan ako papauwi, iniisip ko ang kung anu man ang aking magiging kasagutan kung sakaling hindi ko nagawang umiwas sa pagsagot ng naturang tanong.
Unang una siguro, ako ang magiging Valedictorian ng batch namin (pasintabi sa aming class valedictorian, pero malamang ganun talaga ang mangyayari). Malamang ay lalo akong magiging paborito ng aming Physics teacher at malamang nilampaso ko lang sa sahig ang aking Chemistry teacher na walang ibang ginawa kungdi ang magpa-cute nung mga panahong iyon. Gagamitin ko ang aking nalalaman sa Algebra upang maka-iskor sa mga elitistang babae ng klase. Marunong na akong gumamit ng mga “Tagline” gaya ng:
Ako: “Hi! Lamesa ka ba?!”
Babae: “Huh? bakit?”
Ako: *ngisi* “Gusto kasi kitang patungan eh.”
Tatawanan ko ang mga nambu-bully sa akin noon at ikukwento ko sa kanila kung gaano magiging miserable ang buhay nila sa hinaharap. Makikipagpustahan ako sa mga ka-batch kong babae kung kalian sila mabubuntis.
Siguro ay magiging magaling akong songwriter at composer nun dahil isusulat at kakantahin ko ang mga magiging hit na kanta sa hinaharap. “di kana mababasa ng ulan… di na. di na. Hinde. Hinde.. Hinde.. mababasa ng ulan… di na. di na. Hinde. Hinde.. Hinde.. “
At pagdating sa pag-ibig, hmmm… Marahil makikipagkuwentuhan lang ako sa kanya. Ikukwento ko lang kung ano ang mga mangyayari sa hinaharap. Pero hahayaan ko lang siya na gawin ang kung anuman ang gusto niya. Hindi ko ipipilit sa kanya kung ano ang nararapat at hindi ko rin siya pipilitin kung ayaw niya mang maniwala. Siguro ang sasabihin ko na lang sa kanya ay: “isipin mo na lang magaling ako magkuwentong-barbero.” Hahayaan ko lang na ma-realize niya unti-unti na tama ang sinasabi ko. Tapos… tapos… tapos…(Hmm… Magandang story line ata itong pinagsususulat ko. Calling ABS-CBN/GMA o kaya Star Cinema/GMA Films, binebenta ko ang ending!)
Nagkalat ngayon ang mga “dear kuya cesar”-type (advice-giving format) na mga palabas sa radio. Mapa-AM o FM meron nito. Noon ay patok ito sa mga FM station. Minsan gusto kong tumawag sa mga istasyon na ito hindi para maglabas ng problema…
DJ: “May caller po tayo on the line”
Ako: “Hilo, Hillo po!”
DJ: “Yes iho, anung pangalan mo?”
Ako: “Rey po… Rey Pinioco”
DJ: “Ok Rey, Anung maitutulong namin sa inyo?”
Ako: “Ah, may gusto lang po akong sabihin sa mga tagapakinig at sa mga caller niyo po”
DJ:*gulat* “ahh… Sige iho anu yon”
Ako: “Mga wala ba kayong kaibigan? Bakit kailangan niyo pang tumawag sa pambansang radio para lang ipagkalat ang mga katangahang pinag-gagagawa niyo sa buhay? Bakit hindi niyo subukan sa TV? Tutal gusto niyo na rin lang magpapansin bakit hindi niyo pa lubusin!”
DJ: *taranta* “ahh… Sige iho… ahh.. Maraming salama…..”
Ako: “Hindi pa ako tapos. Hindi niyo ba alam na ginagago lang kayo ng mga DJ na ‘to at hindi niyo ba nahahalata na nagiging katawa-tawa lang kayo sa maraming tao. Nagpapa-uto lang kayo!!! Ginagamit lang kayo nyang mga yan upang makakuha ng mga ratings! Hindi kayo kumikita!!! Sila lang! Ang tatanga niyo!!! Mga P$%^*& @&! Kayong lahat! Ibagsak ang kasalukuyang liderato! Himagsikan ang sagot!!! Mabuhay ang…tuuuuuuttttt…… *tapped off*”
Post a Comment