Iba nga talaga ang nagagawa ng alak. Kamakailan lang ay nakipag-inuman ako sa aking mga kaopisina at muli ay aming napatunayan kung ano talaga ang kakayahan ng alak sa pagmanipula ating pag-iisip. Nagmula ang usapan sa pinaka-ayokong topic. Ang aking sarili. Nang dumami na kami (apat), nagsimula na ang evolution of thought. Pag-ibig, tuksuhan, Catholicism, Christianity, Religion, Faith, Salary deduction due to Employee’s Account, Photons, Time travel, Astral Travel, Teleportation, Time and Space Continuum, Karylle, Marian Rivera, Astral Physics, Love, kung gaano kasagrado ang Sex at iba pa. Mabuti naman at walang naisugod sa hospital dahil sa pagkaubos ng dugo na nagdaan sa ilong. Sa totoo lang walang nakaka-alam kung bakit naging ganito ang takbo ng inuman na ‘yon pero pakiramdam naming lahat ay iyon ang pinakamatalino naming gabi sa kasaysayan ng alak. Parang pagpupulong ng mga consultant ng pangulo na nag-iisip kung pano lulustayin ang milyong-milyong kurakot nila na nagmula sa buwis.
Wala akong masabi talaga sa Gobyerno. Basta lahat ng pinaghirapan mo na pwedeng lagyan ng buwis ay lalagyan nila. Kinakailangan pa nilang tapyasan ang hirap na ginawa ng mga tao. Hindi bale ba kung nailo-loan mo ang buwis na ito gaya ng SSS at Pag-ibig. O may nakukuhang benipisyo gaya ng Philhealth. Ang kaso, wala. Sobrang laki ng tax, sobrang laki ng nakukurakot. Nakakapanghina. Nakakadismaya.
May isa pa sana akong artikulo, ngunit minarapat ko na lamang na hindi na sabihin ang sensitibong paksa na ito para sa isa kong kaibigan dahil may kaugnayan ang taong ito sa kanya. Pero kung interesado ka, baybayin mo ang EDSA extension sa side na papuntang Monumento galing ng North EDSA. May karimarimarim na billboard kang makikita doon.
Post a Comment