Nitong mga nakaraang araw, ako ay nag-iisip kung ano nga ba ang pwede kong ilagay sa akinghuling blog ngayong taon. Nap-pressure din akong magsulat dahil meron ding mangilanngilan na aking nauuto at naghahanap ng bagong mababasa sa aking blog. Nang makausap ko ang isang kaibigan at tanungin ko siya kung ano ang kanyang naisulat sa kanyang panghuling gibberish ngayong taon, simple lang ang kanyang naging tugon. “Tinigilan ko na ang paglalagay ng New Year’s Resolution dahil unang una, hindi naman natutupad.” Isa na lang daw ang New Year’s resolution niya at least sigurado daw siyang matutupad niya ito nang walang hirap, ang pagiging masama. Nang mapag-usapan namin yon, iniisip ko na isa yong magandang punto. Kaya mula ngayon, magpakasama na lang tayo!

Maraming nangyari ngayong taong ito. At dadaanin ko na lang siguro sa paglilista nito.

1.       Pagkamatay ni itay. May you rest in peace. Guide us always lalo na si inay.

2.       Pagbibigay ng bagong responsibilidad sa trabaho. Maraming salamat sa pagbibigay ninyo sa akin nito. Mas pagbubutihan ko sa dadating na taon.

3.       A Very Special Love. Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz. Wala akong masabi sa pelikulang to. Sagad sa kilig.

4.       Pagbabawas ng timbang. Salamat kay boss Oscar M. Lopez. Dahil sa’yo natupad ang isa kong New Year’s resolution ko para sa 2008. Nabawasan ako ng 18lbs. nung panahon ng iyong wellness program. Salamat din sa mga team mates at kay warden Anchel. Hindi namin maaabot ang achievement na yon kung hindi dahil sa’yo. Guess what, konti na lang… konti na lang at babalik na ako sa dati.

5.       Don Bosco Batulao Scholars. Maraming salamat at hinayaan niyong makilala namin kayo. Sa mga nakatanggap ng scholarships during our last visit, galingan nio. Kaming mga kuya at ate niyo ay nandito lang para maging guide niyo.

6.       Friends. Same friends, new friends, old friends, friends sa work, friends sa old schools, high school at college, friends abroad, alcoholics anonymous, for good times and bad.

7.       Ang pagbabalik nilang dalawa. Anak ng pating naman. Bakit naman kailangang sabay pa kayong nandito. Binabaliw niyo ko.

8.       Para sa kanya na nasa Dubai. Christmas naman. Pinatawad ko na kayo. Wag ka na lang sanang magpakita. Dyan na lang kayo at huwag na kayong bumalik. Don’t worry at wala akong balak pumunta dyan.

9.       “I feel any pressure right now.” Dalawamput apat na taong gulang na ko at mga ilang araw na lang ay dalawamputlimang taong gulang na ko. Hindi naman sa nag-iisip ako, pero kung hindi rin lang sa mga taong nasa paligid ko at sa mga pangyayari kamakailan lang, hindi naman ako mag-iisip.

10.   Eraserheads the reunion concert. Binuhay nyo ang pag-asa naming mga may pangarap. Imposible ang salitang “imposible.”

11.   Manny Pacquiao. Wala akong masabi sayo. Wala kang kupas! Penge balato!

 

Para sa lahat… Happy New Year!