Tapos na ang new year celebration. Ano naman ngayon? Balik na naman sa realidad. Wala na namang pera. Baon na naman sa utang. Barado ang banyo. Balik sa di ma-alis-alis na bisyo. Balik sa mahirap na estado ng bansa. Balik sa realidad ng kawalan ng trabaho. Balik sa piling ng kupal na boss (yung sa akin hindi ganun. Buti na lang.). Balik sa piling ng gulay mong ka-opisina. Balik eskwela sa piling ng terror mong guro. Balik sa pagpapantasya ng magandang babae na wala namang laman ang utak. Balik sa pagbabayad ng buwis na wala namang makitang pinatutunguhan kungdi ang malaking bulsa ng mga walang-hiyang mga corrupt na opisyal ng gobyerno na walang ibang ginawa kungdi ang waldasin ng walang humpay ang pera ng mamamayan para sa pansariling kapakanan. Mamatay na sana kayong lahat! Kamatayan nyo lang ang makakapagbalik ng kaunlaran sa bansang ito. Balik sa pagiging lasenggo. Balik sa piling ng mga abusadong nasa posisyon. Balik sa proseso ng nakakasawang pagta-trabaho. Balik sa paga-update ng friendster, multiply, facebook, tagged, hi5, blogger at kung anu-ano pang social networking sites mo. Balik sa panunuod ng videos sa xtube tuwing lunch break. Balik sa realidad na nadagdagan ka na naman ng timbang dahil sa walang harabas na paglamon nung pasko at bagong taon. Balik na naman sa kakarampot na sweldo. Balik sa ka-relasyon mong seryoso sayo ngunit di mo sineseryoso. Balik sa ka-relasyon mong hindi seryoso sayo pero seryoso ka para sa kanya. Balik sa kawalan ng matinong ka-relasyon. Balik sa piling ng mga babaeng “pangkasalukyan lang.” Balik sa realidad na hindi mo makukuha ang pinakagusto mong mahalin dahil may mahal na siyang iba. Balik sa piling ng mga istupidong tao na nakanganga lang sa paligid mo at walang ginawa kungdi ang magpakatanga at hinahayaang dumaan lang sa harapan niya ang mga pagkakataong hindi dapat pinalalampas. Balik sa piling ng bungangera mong asawa. Balik sa kinabubuwisitan mong mga emo. Mamamatay rin naman kayo, bakit ba hindi kayo makahintay? Kung gusto niyo naman talaga mamatay, bakit hindi niyo siguraduhin, hindi yung may pahiwa-hiwa pa kayong nalalaman. Dagdag lang kayo sa sakit ng ulo ng mga tao sa paligid nyo. Hindi dapat emo ang tawag sa iny kungdi KSP. Sa madaling salita… Balik sa dati.
Maaaring high pa tayo sa nakaraang pagdiriwang natin ng New Year pero ngayong gising na tayo para harapin ang unang araw ng taon, balik na naman ang lahat sa dati. At wala tayong magagawa don kungdi harapin ang kung anu man ang darating at ipagdasal na lang na ang mga gagawin nating desisyon sa darating na taon ay tama.
Post a Comment