- Umibig ka kasi nang di mo pa nalalaman ang ibig sabihin ng pag-ibig.
- …pero may mga bagay na di nagtatagal. Maski pag-ibig.
- Me quota ang pag-ibig. Sa bawat limang umiibig, isa lang ang magiging maligaya.
- Kakabog ang dibdib mo, sabi niya, kikilig ang kalamnan mo, at kikirot ang puso mo. Kabog, kilig, kirot. Kapag naramdaman mo ang tatlong K, umiibig ka! Wala ka nang makikitang iba kundi siya. Gusto mong siya lang ang niyayakap maski ang init-init, siya lang ang hinahalikan maski ma-germs ang laway. Sa kanya mo lang gustong makipag-sex at magkaanak. Then you will feel complete.
- Pwede bang mag-survive ang pag-ibig nang one way lang? tanong ni Erica. Hindi siya one way, sagot naman ni Mrs. Baylon. Walang way way dahil nasa loob ko siya!
- … sa Maynila ay merong Lovapalooza sa Baywalk, sponsored ng isang produkto ng toothpaste. Mahigit limang libong lalaki at babae ang sabay-sabay na naghahalikan, sa kahabaan ng Roxas Boulevard ay parang isang dagat ng ngusong nagtagpo upang patunayang ang kanilang hininga ay mabango. Napaisip si Erica kung ilang toneladang laway kaya ang nagpapalitan sa lugar na ‘yon.
- Dahil totoo ang sabi nila, ang great love mo hindi mo makakatuluyan. Ang makakatuluyan mo ay ang correct love.
- Aba, sabi ni Manang Belen, hinipuan ako sa kaliwang suso! Sabi ko, hoy Cruz, bastos ka, magtatampo yang kanan! Ayun pagkatapos ng tatlong linggong hipuan ikinasal kami!
- Love is inevitably connected with ideology. What we do, even falling in love is a political act.
- Irene: Ang lalaki kasi, dala-dalawa ang ulo pero walang utak.
- Dahil hindi mo pwedeng mahalin ang isang tao nang hindi mo minamahal ang hilaga, silangan, timog, at kanluran ng kanyang mga paniniwala.
- Kapag nagmahal ka’y dapat mong tanggapin ang bawat letra ng kanyang Birth Certificate. Kasama doon ang kanyang libag, utot at bad breath. Pero may limit. Pantay-pantay ang ibinibigay na karapatan sa lahat ng tao upang lumigaya, o masaktan, o magpakagago, pero kapag sumara na ang pinto, nawasak na ang mga puso, nawala na ang mga kaluluwa at ang bilang ay umabot na sa zero, goodbye na.
Post a Comment