Tatlong malalaking baso ng kape. Isa’t kalahating kaha ng yosi. Isang librong mabigat dalhin. Pakiramdam ko ngayon lumulutang ako sa kawalan. Gabi na ngunit mag-isa pa rin sa kwarto at nakatulala sa wala. Saka lang sumanib sa aking ulirat na may nawawala. Hindi na katulad ng dati. Walang ibang iniisip at parang nasa lugar ang lahat. Ngayon ko lang nilibot ang mata sa paligid at napagtantong may kulang. Hindi ko alam kung epekto ba ito ng sobrang kape o ng natapos kong aklat. Di tumigil ang kamay ko sa pagpindot ng teklado ng laptop. Patuloy ring natatapon mula sa utak ko ang mga nais kong isipin. Hindi ako mapakali at sa totoo lang ay bumibilis ang pintig ng puso ko. Hindi ako ganito dati pero tingin ko kailangan kong huminahon. Inilabas ko na ang lahat ng naiisip ko sa pamamagitan ng pagpuri sa librong natapos ko lang isipin pero may nag-uudyok pa rin sa akin na ipagpatuloy lang ang pagsusulat.
Nakakatawa na minsan na may mga bagay na nasa kamay mo na pero hindi mo alam kung anung dapat gawin dito. Nandyan na aabutin mo na lang, hawak mo na, pero sa bandang huli, bibitaw ka pa rin. Nakakatawa na nung mga bata pa ang mga bata ay gusto nila’y agad na tumanda. Mas nakakatawa ang mga matatanda na pinipilit ang kanilang mga sarili na maging bata. Madali ang pumili pero mahirap piliin ang tama. May mga bagay na binibigay sa atin pero pakiramdam natin hindi ito para sa atin. May mga taong hindi marunong tumingin at patuloy nilang inaakala na ang ginagawa mo na ang sa tingin mong tama, para sa kanila iyon ay mali. Nakikialam na akala nila ay palagi silang tama. Nagsasabi na ito ang sundin mo at hindi ang sarili mong pakiramdam at isipan. Putang ina, pakialaman niyo ang sarili niyong buhay. Pakialaman mo ang sarili mong diskarte. Mind your own fucking business.
Nasusuka na ko **sumuka lang saglit**. Pero patuloy pa rin ang utak ko at pabilis pa rin ng pabilis ang pintig ng pulso ko. Shit. Isa pang yosi. Mahirap ang maging unfair kaya nung umalis ka may kasunduan tayo. Pero tang ina naman kung may choice lang ako. Kaso wala. Wala tayong magagawa. Unfair ang buhay sa atin. Gaya ng pagiging unfair ng mundo sa mga walang makain. Gaya ng pagiging one sided ng kapitbahay naming ubod ng hilig sa tsismis na marinig nya lang na may negatibong nangyari sa buhay mo yari ka at buong galak nitong ipamamalita sa buong bayan. Tang ina bakit kaya di mo tignan ang sarili mong bakuran. Nabubulok, mabaho, imoral.
Nagkaroon ng itim na mamumuno. Pakiramdam ng lahat nagluklok sila ng panginoon. Iaasa na lang ba ang lahat sa kanya? Bakit di kaya magsimula sa sarili? Kasi tamad sila. Lagi silang naghahanap ng masisisi. Laging naghahanap ng superhero. Tangina walang superhero. Gago!
Angst angst angst… more angst.
Mga bulok na nasa lipunan. Bulok na namumuno ng gobyerno na walang ibang nais gawin kungdi ang pagpasasaan at lumangoy sa nakurakot na kaban ng bayan. Putang ina niyong lahat. Marahil ang bansang ito ay gaya ng bansang Bahrain kung hindi lang umiral ang kasuwapangan niyong mga putang ina kayo. Marahil hindi na kailangan umalis ng mga kababayan natin papunta sa ibang bansa upang magtrabaho. Hindi na kailangan maranasan ng dati kong inibig ang iwan ng bago pa lamang niyang asawa para kumita ng pera para sa bagong silang nilang anak. Tangina ng mga bulok na namumuno ng bansang ito.
Ang iba hindi makahintay na makakurakot sa kaban ng bayan at ngayon pa lang ay binabalandra na ang “ngising manyakis” sa lahat ng pink na tarpaulin sa kahabaan ng EDSA. Ang iba ay sa ganito pa lamang kaaga ay nagpapacommercial na sa TV. Utang na loob ang kakapal ng mukha niyo.
Kailangan ko ng downer…. Kailangan ko ng alak…
Post a Comment