Nakakatawa na minsan madami ang nagtatanong sa akin kung bakit pinili ko ang aking ini-endorsong kandidato. Agad ko naman silang sinasagot na parang nasa isang debate ako at inihahayag ko ng buong buo ang kanilang mga nagawa at ako ay parang nagiging isang campaign manager dahil sa pagdidiskusyon ko sa kausap ko ng buong plataporma ng aking napiling kandidato. Ngayon kapag natapos na ko sa sales talk ko, panahon ko naman magtanong pabalik. Isasagot lang sa akin ng kausap ko ay, “kasi sikat siya” “kasi sabi ng nanay ko” “kasi tiyuhin sya ng pinsan ng katulong ng kapitbahay naming nakatira sa kabilang subdivision” “kasi kababayan ko sya” (pero sa totoo lang, yung kandidato niya taga-Tarlac, siya taga-Pampanga. Siguro dahil pareho yon na nasa north kaya nasabi nyang kababayan niya ang kandidato.)
May isa o dalawa pa lang na nakausap ko ang nagsabing “naniniwala ako sa nagawa niya at magagawa nya sa bansa kasi…” Kung ganoon ang estado, wala na akong sinasabing kung ano pa, dahil alam kong pinili niya ang kanyang kandidato dahil may alam sya sa kung sino at ano ang nagawa ng kanyang kandidato at naniniwala siya sa kayang gawin ng kandidato niya. Nakakalungkot isipin na marami pa rin sa mga pinoy ang hindi pa rin nakakapag-desisyon hanggang sa ngayon kung sino ang iboboto nila kahit na nalalapit na ang eleksyon. Marahil para sa kanila ay laro lang ang lahat. Hindi masyadong importante. Maliit na bagay lang. Sayang sa oras. Parepareho lang naman ang lahat ng politiko – TRAPO. Kung yan rin lamang ang kaisipan mo ngayon, maigi pang huwag ka na lang bumoto at lumipad ka patungo ng ibang bansa at huwag nang bumalik ng Pilipinas kalianman.
Sa iisang boto mo, nakasalalay ay panibagong anim na taon ng bansang ito. Bukod doon sa anim na taon na ‘yon, kasama rin doon ang kinabukasan ng bansang ito. Malaki ang epekto ng boto mo. Isipin mo na lang kung ang bawat isa sa atin ay boboto ng tama, hindi malayong maitatama rin ang lahat.
Dapat hindi lamang tayo boboto dahil lamang sa “siya ang sikat” o dahil “siya ang ineendorso ni Sarah Geronimo” o di kaya “sa tingin mo siya ang mananalo at yung ginusto mo sanang iboto ay matatalo dahil kakaunti ang tingin mong boboto sa kanya” o di kaya “yan kasi ang sabi ng survey”. Marami nang materyales ngayon ang nagkalat sa internet at sa kung saan man. Magbasa. Alamin kung sino talaga ang sa tingin mong may kakayahan upang baguhin ang bansa. Dapat alam niya kung paano patakbuhin ang mga solusyon sa problema. Hindi sapat yung may malinis na record na sa sobrang linis ay pati listahan ng mga nagawa niya, malinis din. Makinig. Alamin ang kilos at mga sinasabi ng mga kandidato. Maaring mabulaklak ang kanyang bibig pero kung iintindihin mo naman ito ay walang laman. Manood. Ang mga debate ng mga kandidato ay magandang pagtuunan ng pansin at oras dahil doon mo nakikita ang tunay na kakayahan ng kandidato. E kung hindi sumisipot and iyong kandidato sa mga ganitong paghaharap, hindi ba nararapat ka nang mag-isip kung bakit? Mag-masid. Obserbahan ang lahat ng balita ukol sa mga kandidato. Alamin kung ano ang totoo at hindi totoo. Dahil sa panahon na ito, kaliwa’t kanan ang batuhan ng putik na kung minsan ay hindi na totoo, makabato lang ng batikos sa kabilang panig. Ngunit ang totoong balita ay bigyang konsiderasyon. Magdasal. Ipagdasal mo ang lahat ng mga Pilipino at ang Pilipinas, na sa pagkakataong ito sana’y maging tama na ang lahat.

Post a Comment