Nakakatuwa minsan na nakikita ang ibang mga kababayan natin na nakakatagpo ng pag-ibig sa katauhan ng isang dayuhan. Gaya nga ng linya naming mag-kakaibigan, “Isa na namang kababayan ang umangat mula sa kahirapan.”


Nang ako ay nasa biyahe mula sa isanng malayong lugar, nakasabay ko ang isang babaeng mukhang kwago na kasama ang BF na puti. Sa kabilang side naman ang isang babae naman na mukhang baboy na panglitson na hindi pa nasasalaksakan ng mansanas sa bunganga, kasama rin ang kanyang kasintahang puti. Hindi biro ang byahe. Impyerno nga daw sa lupa sabi ng isa kong kasama. Parang roller coaster ang byahe. Masusuka kang literal kaya kung hindi mo itutulog, ramdam mo ang parusa. To complete the setup, may dimonyong kwago at baboy pa ang walang pakundangang nagdadaldalan ng malakas sa bus. Tila nakalimutan nila na wala sila sa private van. Hindi ka makakatulog sa lakas ng bunganga ng dalawa gamit ang nakakairitang slang na ingles. Malamang kung may sapat lang na lakas ang matandang katabi ko ay minura na sila.

Hanggang sa dumating sa punto na nagkukuwentuhan na sila tungkol sa karanasan nila sa lugar na pinanggalingan nila. Sumambit ang baboy na panglitson ng salitang “fuckin filipinos” dahil sa pagpapahintay na ginawa sa kanila ng isang grupo ng bakasyunistang pinoy na kasabay dapat nila sa sasakyan. Pinagtitinginan na sya ng mga tao nang makahalata siyang napapalakas na ang bunganga niya at na-realize niya yata ang pag-kakamali niya.

Unang-una. Hinihiling ko na sana ay magbreak sila ng BF niyang puti at mapunta siya sa isang adik na pinoy upang maranasan niya ng tunay ang buhay sa piling ng isang tunay na “fuckin filipino”. Hindi na siya nahiya. Kung makapagsalita sya ay parang hindi na siya pilipino. E nung maalala ko nung napag-usapan ng kwago at baboy kung san sila nakatira, e etong si baboy ay sa isang deppressed area lang din naman nakatira. Kahit ba sa isang sikat at eksklusibong subdibisyon pa sya nakatiran hindi siya dapat magsalita ng ganoon. Nakikita ko ang tinging mapanghusga ng mga tao sa baboy na yun. Naalala ko tuloy ang eksena ng pagbato kay maria magdalena ng bato ng taong bayan. Pakiramdam ko kating-kati kaming lahat na gawin iyon sa kanya right at that moment.

Nakakalungkot at may mga ganitong uri ng tao na kung saan ay nakatikim lang ng ginhawa, nakakalimot na agad. Nalalaman ba nila na panandalian lang ang lahat? Sana lang huwag silang gantihan ng bayan na ito ng mas masaklap.
Isa lang ang masasabi ko sa’yo!

DIMONYO KA!