Facebook, isang imbensyon ng tao na masasabi nating parte na ng buhay ng karamihan lalo sa mga pinoy. Pero madalas, may mga ilang nakakabuwisit na mga gawain ang ibang tao sa Facebook na kapag nakikita mo ay maaasar ka na lang. Gaya nga ng sabi ng isang pamosong kasabihan, “Bato-bato sa langit, ang tamaan, pangit!”
“Like” ng sarili mong post - Ang “like” button ay ginawa ng Facebook para ma-assess mo ang pagka-gusto ng mga kaibigan mo sa post mo. Wala namang sigurong matinong tao ang ang magpo-post ng mga entry sa sarili nilang wall na ayaw nila. It is safe to assume na kaya mo inilagay ang post na yan sa wall mo ay dahil kagustuhan mo itong ilagay. Kung ayaw mo rin namang magmukhang Narcissist kagaya ni Kris Aquino, iwasan ang gawaing ito.
Pero kung gagawin mo naman ito, since ikaw na ang nag-post, bakit kaya hindi na rin ikaw ang mag-like, tapos ikaw na rin ang mag-comment. siguraduhing huwag kalimutang magsabi ng "walang anuman" sa sarili, na nakalimutang gawin ng tungaw sa kaliwa.
Maling gamit ng “Like” button – patok na patok na kamaliang ito sa Facebook. Status: “My dog died today...” (5 likes). Kung iisipin maigi, ang pag-gamit ng “like” sa pagkakataong ito ay nasa maling konteksto. Pwera na lamang kung ikaw ang utak sa pagkamatay ng naturang aso at ang status na ito ay ang iyong naging daan upang ma-kumpirma ang pagtatagumpay ng plano mong pagpatay. Status: “break na kami ni X” (25 likes). Ibig sabihin lang nyan ay mag 25 na oportunista ang naghintay at tuwang-tuwa sa pagkakabuwag ng inyong relasyon. Asahan ang pag-lapit nila sa iyo sa mga susunod na araw. Bago mo muna pindutin ang “like” button, isipin muna kung makakagaan ito ng loob ng taong nag-post. Baka imbes na matuwa pa sila sa iyo ay ipapatay ka pa nila sa galit. Maraming tao ang nagpopost ng pagkalungkot, pagka-bigo, o kahit pagkamatay upang ipahayag sa kanilang mga kaibigan ang kalungkutang kasalukuyan nilang kinakaharap. Ang mga ganyang entry ay hindi dapat nila-“like” at sa halip ay dapat pinapakitaan ng pakikiramay sa pamamagitan ng magagandang salita na pwedeng ilagay sa “comment”.
Away sa wall – ang pakikipag-away sa wall ay kahit kalian hindi naging kaaya-ayang tignan. Kung may nakikipag-away sa iyo, mas ikabubuti mo kung kausapin ng personal ang taong ito o di kaya ay sa pamamagitan ng Private Message kayo magmurahan. Hindi nyo kailangang ilathala ang inyong away sa Facebook wall para ipakita sa lahat na galit kayo sa isa’t isa. Sa bandang huli isa ka rin sa lalabas na katawa-tawa sa ibang tao. Hindi naman ilalathala sa diyaryo kinabukasan ang away niyo at hindi rin ito magkakaroon ng epekto sa buong bansa kaya huwag na lang ipakalat sa lahat.
Higit sa isang account – iwasang gumawa ng napakaraming accounts. Kung balak mong burahin mo ang dati mong account, at nais mong gumawa ng bago, o kaya puno na ang una mong account, o di kaya ay hindi mo na mabuksan ang dati mong account dahil sa nakalimutan mo ang password mo o simpleng talagang hindi mo lang mabuksan, walang problema. Pero kung gagawa ka na naman ng isa pang account maliban sa existing mong account dahil trip mo lang magkaroon ng higit sa isang account, wag mo na lang ituloy ang balak na yan. Tapos ang ia-add mo rin ay yung mga existing mong mga kaibigan na nandun din naman sa isa mo pang account, anong kalokohan yon? Hindi ka celebrity kaya huwag mag-feeling. Kung balak mo mambabae gamit ang isang sikretong account kaya ka gagawa ng bago, yun pwede.
Short-cuts sa texts - “ndi b nkkaasr ang gni2ng klse ng pst pg nkkta m 2 sa FB wall m?” Simple lang yan, wala kayo sa cellphone texting kaya kung pwede iwasan ang ganyang klase ng pagta-type pagdating sa Facebook. Hindi naman nagtakda ang Facebook ng limit pagdating sa characters na magagamit mo pagdating sa comments at posts (pwera na lang siguro sa ibang items). Pinapakita mo lang ang katamaran mo sa simpleng hindi pag-kukumpleto ng mga letra ng words mo sa ganitong uri ng pagta-type sa Facebook.
Jejemonism/Caps and small caps – kung isa kang aminadong jejemon, ok lang... Teka, babawiin ko. Nakakabuwisit ka. “30wwzh p0wh! hnD! BuH nKK@zzhar aNg p@gbaB@Za nG g@n!t0nG uR! nG P@gtutYp3?” Ang huling sentence na nabasa mo ay halos dalawang minuto kong itinype. Pero kung sa bagay, hanga rin ako sa perseverance ng mga taong ganyan mag-type. Bago pa nila matapos ang isang sentence aabutin na sila ng siyam-siyam. Lalo na siguro pag in paragraphs na yan. Pero utang na loob, kung lampas 20 na ang edad mo, hindi na nababagay sa iyo ang ganyang uri ng paggawa ng pangungusap. Umasal ng naaayon sa edad mo. "kAgAyA rIn Ng GaNiToNg UrI nG pAgTa-TyPe aY SuBuKaN DiNg IwAsAn." Bukod sa matagal bago matapos ang isang sentence ay nakakasakit ng ulo basahin.
Kung iisipin ang Facebook o ang kahit na anong uri ng social networking sites, ay repleksyon ng kung anong klaseng tao ka. Ilang kumpanya na rin ang umamin na sa pamamagitan ng mga e-mail addresses na inilalagay application forms, nache-check ng mga HR officers minsan ang Facebook site ng aplikante. Minsan daw ay nagiging batayan nila ito sa pag-tanggap nila ng aplikante. Yan ang dahilan kung bakit iba ang ginagamit kong e-mail para sa social networking sites at iba para sa mga pormal na pangangailangan gaya ng sa resume at sa mga business matters. Isipin mo na lang na parang isang uri ng damit mo ang Facebook page mo. Maaaring makita ng ibang tao kung anong klaseng tao ka sa pamamagitan ng mga inilalathala mo sa Facebook page mo. Kaya hanggat maaari, ayusin at gawing presentable ang sarili mo kahit sa internet lang.

Post a Comment