I was browsing my facebook page when suddenly a good friend of mine told me about his “situation”. He was turned down by a certain girl. Funny that the other month a friend also consulted me on how he will deal with the same situation. Hindi ko alam kung anong meron ako at lapitin ako ng ganyang tanong. Marahil ay nasa mukha ko na maraming beses na rin akong na-basted kaya ako palagi ang naiisip nilang pagtanungan. And as I browse FB for the second time, I see this status: “How do you heal a broken heart?”
And then I suddenly saw that Hazel posted an entry on her blog entitled “It’s Time To Move On” ayun naman... Signos! Akalain mong nagkatagpo-tagpo ang lahat.
So, kung sasagutin ko man ang tanong sa itaas na “How do you heal a broken heart?” malamang ang isasagot ko e yung nasa itaas din, “It’s time to move on.” But then again, another question comes up, “Paano?” or kung coño ka, “How?” hindi man ako si Joe ‘d Mango na may mababang boses at nakakaantok na pananalita, pero hayaan niyong i-adopt ko ang naturang post sa kung paano ang pagpapahilom ng isang pusong sugatan.
Una, never be alone. Makipag-usap sa kaibigan. Yung totoong kaibigan, hindi yung tipong pasasamain lalo ang loob mo para umorder ka pa ng umorder ng alak hanggang sa malasing ka nila at pagkatapos, ikaw pa ang pagbabayarin ng bill. Ika nga nila “idaan na ‘yan sa ma-boteng usapan”. Your friends, being that someone na nasa labas ng relasyon, has a different perspective of the situation na kinasasadlakan mo. Walang bias (well at least let’s assume na totoong kaibigan mo sila for the sake of this discussion). But please, kung sakali mang wala pa silang alam sa situation mo, at ikukwento mo pa lang sa kanila ang lahat, try to tell the story sa pinaka-totoong format. Hindi yung na-revise mo na ang kuwento para magmukhang siya ang may kasalanan at ikaw ang naaapi. Kung may kasalanan ka rin, sabihin mo, para kung mag-iisip man ng ipapayo sayo ay yung siguradong tama. Huwag magalit sa kaibigan kung may sabihin man silang hindi maganda sa pandinig mo. Try to listen at baka ipinapa-realize lang nila kung ano ang mga bagay-bagay na dapat mong ma-realize. Accept it. At utang na loob, iwasan ang paggamit ng ibang tao sa pagku-kuwento. Nakakabuwisit lang e. “Eh, kasi yung pinsan ng kapitbahay ng friend ko nung pre-school, nagkaroon ng syota yung sinosyota nya ngayon.” Lumang style na ‘yan pare.
Pangalawa, hayaan ang feelings. Express it. Kung masama ang loob mo, sige masama ang loob. Kung galit ka, sige lang ilabas mo, (pero iwasang mandamay ng ibang tao). Kung malungkot ka, walang masama kung iiiyak mo. Wag lang lalampas sa limit at magiging pathetic. Iwasan ang semi-laslas ng pulso (paglalaslas ng pulso na di tinatamaan ang ugat, para siguradong buhay. May dugo pero hindi ikamamatay). Never pretend. Ikaw lang rin ang mahihirapan. Pilitin mo mang magmukhang masaya sa harap ng iba, mao-obvious at mao-obvious din yan. Ikaw lang rin ang mahihirapan. It is also medically proven na masama ang magtago ng sama ng loob sa sarili. It may lead to certain diseases and some psychological disorders. Nahirapan ka na kalaunan gagastos ka pa. Hanggat hindi mo inilalabas ang sama ng loob na yan, bitbit mo yan sa ‘yo, at malamang may kalalagyan ka sa mental hospital. In the process ikaw rin naman ang mapapagod e.
Pangatlo, try to clear your mind and slowly revive your own self. SLOWLY. Hindi ka superhero para maka-recover agad. Baka habang minamadali mo mas lalo ka pang magkaproblema kinalaunan. Isa-isa lang. Unti-unting ibalik ang mga ginagawa mo nung nasa sirkulasyon ka pa upang ma-distract ang isipan mo sa kinakaharap mong sakit. Keep yourself busy. Pwedeng maghanap ng bagong hobby. Kung kaya, try extreme activities, or those activities na ikapapagod ng katawan mo. Na-libang ka nakapag-exercise ka pa. Yung tipong kapag natapos mong gawin ang activity, diretso tulog ka na dahil sa kapaguran. Alalahaning ang oras bago matulog ay ang oras na mas higit mong maiisip ang nangyari sayo. Ngayon kung pagod ka na, paano ka pa mag-iisip? Itutulog mo na lang diba? Or magpaka-busy sa trabaho. Malay mo ika-promote mo pa yan later on dahil sa kasipagan mo sa trabaho. Explore new things. Yung tipong pag-aaralan mo. May isa akong kakilala dati na-broken hearted din, nag-aral mag-cross stitch. Nang matapos nya ang “The Last Supper” naka-move on na sya.
Pang-apat, subukang unti-unting alisin ang taong ‘yon sa iyong sistema. Sa tingin ko ito ang pinaka-mahirap pero kaya naman. Wag mo na lang burahin ang phone number nya sa cellphone mo at alam ko namang saulado mo ang number nya. Kung dati bago mag-12pm tinetext mo na sya ng “wer na u? Eat ka na? Eat na me. Tsup tsup.” Ngayon, isipin mo kung gaano ka kabaduy nung ginagawa mo pa dati yan. Mandidiri kang ulitin pa yan. Iwasan muna pansamantala ang mga favourite niyong tambayan, favourite niyong kainan, favourite niyong motel, at iba pang mga lugar o bagay na usually ginagawa niyo ng magkasama. Maaaring maka-ramdam ng sakit habang ginagawa o pinupuntahan ang mga ito. Kung kaya, sabihin sa kanya na iwasan muna ang pakikipag-communicate niya sa iyo. Sabihin mong kailangan mo ito upang maka-move on. On your side, resist also the temptation of reviving the communication between the two of you. Saka ka na lang mag-text ng “hi, musta na?” kapag tingin mo sa sarili mo, kaya mo na at di ka na ulit masasaktan.
Pang-lima, iwasan ang mga relasyong “panakip-butas” para lang ipadama sa kanya na “fuck you! Kaya kong wala ka!” ang pagmo-move-on ay hindi kumpetensya sa dalawang pusong nasaktan at hindi rin pakikipag-unahan ng pag-pasok sa panibagong relasyon. Unfair naman sa taong makakarelasyon mo kung iba naman pala ang gusto mo. Siguraduhing kaya mo nang talikuran ang feelings mo dun sa nauna bago tanggapin ang panibagong relasyon. PERO, huwag isara ang pinto sa posibleng pag-ibig. Malay mo makatulong ito upang maka-move on ka. Give others a chance. Baka mas magiging masaya ka pa pala sa paparating na relationship.
Pang-anim, subukang gawing joke paminsan-minsan ang pangyayari (also known as bitter jokes). Minsan nakakabawas ng sama ng loob kung gagawin mo na lang joke ang mga nangyari sa inyo. Nakapag-pasaya ka na ng ibang tao in the process. Iwasan lang mapikon syempre. Kung sa tingin mo medyo lumalampas na ang mga kaibigan mo at napipikon ka na, sabihin mo sa kanila “oy! Foul na yon!” tatahimik naman sila. At least let them know the limits of fooling around the situation.
Maaaring iba-iba ang paraan ng bawat tao sa pag-harap sa ganitong uri ng problema pero at the end of the day kailangan mo pa ring mag-move on and you’ll just charge it to experience. Later on pag ok ka na baka tawanan mo na lang lahat ang nangyari. Isipin mo dagdag wisdom para sa iyo yan. With these kinds of experiences we tend to be educated and it will make us well equipped to deal with the upcoming challenges maturely. Tandaan na ang pagiging broken-hearted ay parang kabag, lilipas din yan pag nai-utot mo na lahat.

Labels: love, moving on, relationships
natawa ako sa first paragraph mo! adik. e baka naman yang friend na yan e yung tintanong ko sayo nung isang araw ha? lol. Bistuhan na tooooo!
ay hinde, hindi sya. haha. medyo maayos ngayon ang takbo ng buhay nya. may tampuhan ng konti pero mareresolve pa naman daw. hahaha!
aliw! sayang basahin itong blogpost mo at... meron lang ako isang kabarkada na nun isang araw lang eh nagkwento samin ng totoong rason kung bakit sila nagbreak ng ef-gf... golly! hinahanapan ko kng alin sa options mo ang pwede sa kanya haha
Post a Comment