"Oo nga pala.... Hindi nga pala tayo..."
-Migrane, Moonstar 88
Sa dinami-dami na ng classification ng relationships sa mga panahong ito, (see this old post) minsan mahirap nang malaman kung ano ba talaga ang klase ng relationship ang kasalukuyan mong kinasasadlakan. Kasalanan yan ng tinatawag na "westernisasyon." Dahil sa pagkaka-expose ng mga tao sa wirdong kanluraning kamalayan, natututo ang mga tao sa mas komplikadong uri ng pakikisama.
Kahit marami nang materyal ang naisulat sa internet, nakaka-gulat pa rin minsan na marami pa ring nagtatanong at nagku-kwento sakin ng mga karanasan nila sa tinatawag na "Friend Zone." Hindi naman ako si Ramon Bautista o di kaya si R.A. Rivera pero siguro talagang nasanay na lang silang tinatanong ako ng kung ano-anong tungkol sa mga problemang pag-ibig na yan (oo nga hindi ko rin maintindihan kung bakit ako.). Eh, ano nga ba ang "Friend Zone"?
Sa totoo lang hindi biro ang ma-Friend Zone. "One-Sided-Love-Affair" nga daw yan sabi ng iba. Mahirap, madilim, malamig, malupit, malungkot, nakakalugmok, yung tipong gusto mong yakapin ang mga binti mo at mag-uumiyak mag-hapon habang nagpapa-uga-uga sa ilalim ng shower. Pero ano nga ba ang mga "Tell-Tale signs" ng na-Friend Zone? Bakit ka nafi-Friend Zone ng isang tao? May paraan pa ba para maka-ligtas dito?
Etymology: ang salitang "Friend Zone" ay nagsimula sa TV Series na "Friends" noong November 3, 1994, sa episode 7 ng season 1.
In popular culture, the "friend zone" refers to a platonic relationship wherein one person wishes to enter into a romantic relationship, while the other does not. It is generally considered to be an undesirable situation by the lovelorn person. Once the friend zone is established, it is said to be difficult to move beyond that point in a relationship. The idea of a "friend zone" is often criticized as simply being a platonic relationship in which one party never informs the other of their affection, then resents the other party for not sensing it, or feels entitled to the other party's affections despite the wishes of the other party.
-ayon sa pinaka-mapagkakatiwalaang source. Wikipedia (at Oo, may nag-effort na gumawa at mag-explain ng Wiki entry tungkol dyan.)
Karamihan ng mga nafi-Friend Zone ay yung mga nanggaling sa pagiging mag-kaibigan ang kanilang relasyon. Nagkataon lang talaga na "great friend" lang ang tingin nya sayo pero dahil marupok ka, na-fall ka. Minsan meron din namang mga sitwasyon na nagkakilala at nagpakita agad ng motibo si Boyet kay Girlie pero talagang hindi lang trip ni Girlie ang magkaroon ng relationship with Boyet at gusto nya lang talaga atensyon (yeah talk about self-obsessed, egomaniacal, attention-seeking bitches). Pero tandaan, hindi lamang mga kalalakihan ang nafi-Friend Zone, minsan ang mga babae rin. Huwag ding kalilimutan na minsan naman may mga nilalang talaga na "dense."
Sa mga kanluraning bansa, kalimitan ng sukatan ng lahat patungkol sa mga relasyon ay "sex." Nais ko pa ring paniwalain ang aking sarili na marami pa rin ang umaayon sa "konserbatibong kultura" kaya ipapaliwanag ko ang lahat ng naaayon sa "maka-Pilipinong konteksto."
1. Kapag problemado si Friend Zoner, ikaw, Friend Zonee, ang una nyang takbuhan. Natural! Ikaw nga ang "ideal friend" diba? Kada problema na meron sya, ikaw ang tanging takbuhan niya. Walang ibang magandang suhestiyon kung di suhestyon mo lang. Minsan kahit kung saan makakabili ng kung ano-ano, sayo itatanong. Ang tingin nya sayo, google.com!
2. May dialogue si Friend Zoner na "alam mo, kahit ano pwede kong sabihin sayo" o di kaya "parang kapatid na kita", o kaya "ikaw lang ang nakaka-intindi sakin".
3. Parang kayo na hindi naman kayo. Lumalabas kayo, long long late night calls, "eat na u? eat na me" na palitan ng messages, minsan nagkaka-akbayan/holding hands pa, at kung ano-ano pang mga katangian at ginagawa ng mga taong nasa isang relasyon. Sarap ng feeling diba? Pero bottomline is (and frankly the truth), HINDI KAYO!
4. Friend Zoner often tells Friend Zonee everything. EVERYTHING... Bakit nga naman sya mahiyang magsabi sayo ng kung ano-ano (at minsan pati yung mga bagay na hindi mo naman na kailangan pang malaman) e ikaw nga ang "great and ideal friend" e.
5. Friend Zoner Flirt. Oo may ibang uri ng pakikipag-harutan sa Friend Zone. Deadly yon! Kasi mahigit kumulang, dyan nagkakaroon ng matinding pagka-lito sa parte ni Friend Zonee. Sa sobrang komportable nya na kasi sayo, ok lang lahat, basta walang halikan sa lips, at mas higit pa don.
So, may paraan ba para makaalis sa Friend Zone? Sa totoo lang naman meron. Kaso mahirap. Pero posible. Sa totoo lang nasa Friend Zone pa ko hanggang ngayon at sa pagii-spill ng mga paraan, tinatanggal ko ang sarili ko ng pribelehiyo para magka-solusyon sa sarili kong pagkaka-lugmok sa Friend Zone (oo, may pinaghuhugutan ang article na 'to). Pero dahil mas matimbang sakin ang pagka-kaibigan (naks!), hayaan niyong ibahagi ko sa inyo ang mga paraan kung paano makaka-alis o kung hindi man, makaka-iwas sa pagkaka-stuck sa Friend Zone. Tandaan lamang na hindi ako si Lord, at walang kasiguraduhang makakamtan mo ang matamis na pagkawala sa Friend Zone kung gagawin mo ang mga ito:
A. Disappear. Ang humahadlang sa iyo sa pagiging "kayo" ay ang tingin nya sayo bilang "kaibigan". Tanggalin mo yun! Mawala ka na lang. Oo mahirap, pero kailangan. Bilang Friend Zonee, bigyan mo ng pagkakataon si Friend Zoner na ma-miss ka. Magdasal ka na may ma-realize siya sa pagkakawala mo.
B. Huwag maging "shoulder to cry on". Instinct na kasi ng mga Friend Zoner na si Friend Zonee ang maging takbuhan sa panahon ng pangangailangan nya. Trabaho yan ng Best Friend. Gawin nya kamo yan sa Best Friend nya. Hindi nga yan ang gusto mo diba? Ang gusto ay ang maging "kayo."
C. Itaas ang "malisiya". Kung matindi-tindi naman ang lakas ng loob mo, at may paninindigan kang malupit, gawin mo to. Kung hindi papalag si Friend Zoner, ikaw na! Congrats. At least naipahiwatig mo sa kanya kung ano talaga ang intensyon mo sa lahat lahat ng yan. It's all about crossing that "line". Pag nakatawid ka dyan with flying colors, chances are, malapit na ang pinakaa-asam-asam mong "kayo."
D. Man up! (or girl up! depende sa kasarian ng Friend Zonee). Ipaliwanag mo kay Friend Zoner na higit sa pagiging "Friends" ang gusto mo. Confess everything (yes, kahit babae ka). Malimit akong nagkaka-argumento sa mga babae kong kaibigan tungkol dito pero naniniwala ako na hindi na uso ang ideyolohiya na "lalake lagi ang dapat nagtatapat ng nararamdaman." Wala na tayo sa era ng mga dinosaurs. Pero wag maging "tanga," ibang kaso yon! Pagkatapos mong sabihin ang lahat kay Friend Zoner, cross your fingers, hope everything turns out well. Kung "dense" naman si Friend Zoner, ito lang naman ang paraan para malaman nya ang lahat e, diba?
Friend Zoner: kung matapos mong mabasa ang lahat ng ito (at sana may na-realize ka), iwasan maging Friend Zoner. You can do better than that! Maaari mong sabihin na "never kang nag-paasa" at "hindi mo hiningi ang ganitong posisyon" pero iwasan ang pagpapa-hirap ng ibang tao para lang i-boost ang ego mo. Wala nang mas sasarap sa feeling ng pagiging importante para sa ibang tao pero dapat sa tamang paraan. Kung feeling mo wala ka talagang nararamdaman kay Friend Zonee, explain mo sa kanya. Huwag mong hayaang maghirap sya dahil lang gusto mo ang nakukuha mong atensyon... Leche ka! (Joke lang!)
Friend Zonee: Kung mapunta ang lahat sa wala, matutong mag-let go. Iwasang magpatuloy sa pagiging Friend Zonee. Hindi tama yung mindset na "for the time being lang" or "habang wala lang someone." Ang hirap kaya makawala sa ganyan once na malalim na ang pagkaka-lunod mo! Tandaan: you deserve much better! You're too good of a person para ma-take for granted lang. Maging tapat sa sarili na hindi mo palaging makukuha ang gusto mo. May tamang tao na nakalaan para sa iyo na kayang ibalik ang pagmamahal na kaya mong ibigay, o higit pa.
Labels: friend zone, love, relationships
Yo Music lovers! Check out indie band Radar from Manila,Philippines.
Nag-research talaga! Galing ng breakdowns. Hope I can hear more from you Alejo... :)
Post a Comment