Have you ever felt blank? Oo yung pakiramdam na parang wala kang pakiramdam? Nararamdaman ko na parang wala akong pakiramdam. Minsan hindi ko alam pero parang dahil siguro na rin sa dami ng yosi na nahithit ko sa araw na ‘to, sa dami ng beer na ininom ko kagabi para makatulog, o sa dami ng tao na ginagawa akong shock absorber, parang ako sa sarili ko wala na kong pakiramdam. Hindi na ata nakayanan ng sistema ko ang nararamdaman ng iba, kaya parang yung sakin naman ang sumuko.

Sa halos lahat ng pagkakataon ako na lang lagi ang naiisipang lapitan ng mga taong problemado na nakapaligid sa akin. Hindi ko alam kung kaboses ko ba si Joe d’ Mango at hilig na hilig nilang pakinggan ang sasabihn kong payo sa kanila. “Yep, Oo. Ok lang yan! Lilipas rin ‘yan. Hindi mo na lang aakalain limot mo na siya. Gawin mo, libangin mo ang sarili mo para kahit papaano unti-unti mo na syang makalimutan.” Wow! Yan ang mga sagot ng mga DJ sa radio. Dapat nga siguro mga ganung tipo ang trabaho ko. Siguro madami akong listeners. Pero fucking shit naman! Kung alam lang ng mga taong walang kamuwang-muwang na lumalapit sa akin na hindi ko pa nasusubukan sa laboratory ang mga conclusion na sinasabi ko sa kania. Mali. Nasubukan ko pala! Ginawa ko nga ang procedure na nakalagay sa book e. Yun nga lang…Iba ang result.

Bakit ang daling sabihin sa ibang tao kung anong pwede nilang gawin, pero para sa sarili mo, ang sabihin ang eksaktong mga salitang sinasabi mo sa iba, DAMN! Daig ang board exam! Kailangan pang ibang tao ang magdikta sa ‘kin ng kung anung dapat na gawin. O hindi kaya… Kahit na anung dikta ng kahit sinong tao, sadyang pasaway talaga ako, hindi ko pa rin susundin. Isa lang ang alam kong solusyon sa ngayon… Ang maglaslas ng pulso…gamit ang bread knife.

Kung may gusto akong sabihin para kay “she-who-must-not-be-named,” ano kaya yun? “Para kang muta sa umaga. Hindi ko man nakikita, pero naiisip kong existing sa bawat paggising ko,” o hindi kaya, “Para kang kulangot. Ang hirap mong makuha, pero alam ko pag nakuha na kita, malaking ginhawa.” o kaya, "Para kang Prozac pag mag-aadik ako! Ang gaang ng feeling pag kasama na kita! Kaso mahal nga lang."

Hindi ko alam kung normal pa ‘tong ginagawa ko. Maaaring taon pa aabutin ang paghihintay ko sa walang kasiguraduhan. Paghihintay na walang ginagawa, dahil alam ko namang wala naman akong magagawa…. Kundi ang maghintay… Fucking shit again. Wala namang nagsabi sa ‘kin na maghintay pero bakit yun pa rin ang ginagawa ko. Kung ‘di ba naman talaga katigasan ng ulo sa taas yan!

Sana ang feelings para sa isang tao ay parang principle lang ng “variable separable” sa Differential Equations… Ang daling kalimutan…Pero hindi e. Parang Pringles. “Once you pop, you can’t stop.” Siguro kung ganon, hindi namumroblema ang ibang tao… Hindi ako namumroblema para sa kanila… At higit sa lahat… Hindi ako namumroblema para sa sarili ko.

Teka… May nararamdaman pala ako… Ayaw ko lang aminin na yun nga ang nararamdaman ko…Kasi masakit...Ouch!