Sabado ng gabi. Anaknamputa. Sa totoo lang hindi ako sanay na nasa bahay lang ako kapag Sabado ng gabi. Hindi matanggap ng sistema ko na kapag Sabado ng gabi ay nasa bahay lang ako at walang ginagawa. Buong araw kong hinintay na tumunog ang cellphone ko sa pag-asang baka may magyayang uminom na sagot nila. Pero wala. Ang nakakainis lang, isang buong linggo kong hinintay ang dapat sana na “lakad” na pupuntahan ko para sa sabado hanggang lunes, pero wala. Sa tatlong lakad, isa lang ang natuloy. Nakakaasar isipin na buong kasiyahan mo nang inaasahan ang mga lakad na yon pero para akong isang bata na hindi binilhan ng kanyang ina ng kanyang pinakamimithing lobo matapos ang matyagang paglakad dahil sa pagbuntot sa kanya maghapon dahil sa katagalan nyang mamili sa department store. That’s so lame.
Dalawang lakad ang hindi natuloy dahil sa kagagawan ng mga taong hindi marunong umunawa ng pakiramdam na malaman mo na naghihintay ka lang pala sa wala. Nakakaasar ang mga taong walang pakundangan kung umo-o para sa isang lakad, at sa kaso ng isa, ay mangako ng lakad (which pisses me more) na hindi naman pala matutuloy. Ang una, hindi ko pa malalaman na hindi pala tuloy ang lakad na yon kung hindi pa ako ang nagtanong kung may lakad nga talaga. At ang isa, hindi man lang nagsasabi na walang mangyayaring lakad. Fuck!
Salamat sa aking baby (computer) at eto, ang pagsusulat ng blog ang naisipan kong gawing alternatibong paraan ng paglalabas ng sama ng loob kaysa ang maghamon ng away sa mga batang isang taong gulang pataas. Kasabay ang pagpapatugtog ng mga tugtuging nararapat na ipatugtog sa tuwing Sabado ng gabi, ang pag-inom ng pangatlong bote ng redhorse, at ang paghithit sa pang-nth kong yosi. Lahat yan, dito lang sa kwarto ko. Pero imahinasyon ko lang ang lahat ng yan dahil hindi ko pwedeng gawin yan dahil may sanggol sa kwarto ko.
Simula bata ako pinangarap kong magkaroon ng sariling kwarto. Ngayon meron ako, ang kaso lang… basta. Ayoko na lang ipaliwanag. Marami sana akong gustong gawin pero hindi ko magawa dahil ang kwarto “ko” ay sa totoo lang ay hindi lang kwarto “ko.” Natural, wala naman akong magagawa dun dahil kung meron, matagal ko nang ginawa.
WAAAAAHHHHH!!!!! Nabablanko na ko! Siguro dala na marahil ng galit na nararamdaman ko. Sobrang galit talaga ako sa mga taong hindi marunong tumupad sa pangako (ang magnanakaw ay galit sa kapwa magnanakaw). Bakit hindi ba nila maintindihan na ako lang ang may karapatang hindi tumupad sa pangako? GGRRRRR! Gaya ng madalas kong sinasabi… Mamamatay rin kayong lahat!!!! Mga P*t*ng I*a nyo!
Hindi ko talaga matiis…. Aalis na lang ako… Kahit ako mag-isa…

Post a Comment