Mahirap tiisin ang tawag ng kamay… Alam ko ang iniisp mo, sigurado hindi tayo magkapareho ng iniisip dahil alam ko mas bastos ka kaysa sa akin. Ang tinutukoy ko ay ang pagsusulat. At kahit 10:00 PM na, hindi ko matiis na ipagpabukas na lang ang pagsusulat na ‘to. Sa totoo lang pwede ko namang isulat ‘to lahat sa papel pero dahil sa bagal kong magsulat kaysa mag-type, minsan may mga idea na natatapon lang at tuluyang nakakalimutan dahil sa kabagalan ko sa pagsusulat.
Kung dati-rati ay nilalakad ko mula dito sa aming liblib na lugar hanggang sa may bayan para lang makabili ng internet card, ngayong gabi ay napagdesisyonan kong gamitin ang bagong biling lumang bisikleta ng aking ama. Mountain bike to be exact. Ang pagkakaiba lang ay mayroon itong bakset sa unahan, kulay dilaw, at higit sa lahat, may pang-busina na tunog ng katulad sa mga unang henerasyon ng mga sorbeterong natutong gumamit ng bisikleta sa kanilang paglalako.
The hell! Wala akong pakialam kung eto ang kailangan kong gamitin. At least madali akong makakabalik at hindi ko agad makakalimutan ang gusto kong isulat sa gabing ito. At tsaka gabi naman. Walang masyadong makakapansin ng gamit kong sasakyan. Medyo matagal-tagal na panahon na rin simula nung huli kong pagsakay sa bisikleta. At ngayong gabi ay sadyang kakaiba ang simoy ng hangin na dumadampi sa mukha ko. Na-miss ko ‘to at walang makakasira ng moment na ‘to! “Hey mike! Ganda ng bike natin ha! Magkanong bili mo dyan?” Damn! Ang spoiled na anak ng mayor na nakatambay sa may tambayan ng mga barangay tanod! Gusto ko sanang sagutin ang tanong nya na: “Ahoy! Kamusta? Engineer ako at hindi ako anak ng mayor!” Pero nanaig ang diplomasya at minabuting huwag na lang ituloy ang balak na ‘yon at bumalik sa konsentrasyon ng pagdama ng simoy ng hangin na dumadampi sa aking mukha.
Bakit ba walang matinong palabas sa Philippine TV kapag araw na ng Linggo? Matapos kong pagisipangtigilan muna ang marathon ko ng “Scrubs” na nagsimula 7:30 ng umaga hanggang 8:00-ish ng gabi, (sa totoo lang hindi ako sigurado kung 8:00 nga ‘yon at damn! Hindi pa rin ako tapos!) napagisipan kong tignan ang mga kaganapan sa mga palabas sa Telebisyon at agad na pinainit ang ulo ko ng palabas na ‘Y-speak.” Oo alam ko para sa kabataan (kagaya ko) ang palabas na yon at ok lang na ang kinuhang guests ay ang mga taga PBB Teen Edition. Pero sinong matinong tao ang nagbigay sa kanila ng topic na tungkol sa “relasyon”??? Damn! Pupusta ako na walang ibang alam ang mga kabataang yon kundi “masturbation” at “make-up.”
Sa tingin ko hindi dapat para sa mga batang ‘yon (kagaya ko) ang maging mga “debators” sa ganung klaseng topic. Anung alam ng mga yan sa relasyon? Pupusta ako na ilan sa mga yan ay pinupulbusan pa ng mga nanay nila sa kilikili (not me! kaya ko nang gawin mag-isa yon! At siguro pwera din si Jamilla.). Alam ba nila na ang relasyon ay sakit lang ng ulo? Alam ba nila ang mga problema na kasama ng kahit anong relasyon? Habang pinanonood ko ang mga kumag (pwera lang si Jamilla) nag mag-”debate” tungkol sa dapat nga bang manligaw ang babae o hindi, natatawa ako sa kanilang lahat dahil ultimo ilang mga lalaki ay sangayon na hindi dapat manligaw ang mga babae sa lalaki KAHIT KAILAN! Anong klase yon?
Nabobobohan tuloy ako sa mga umayon sa konseptong ‘yon (pwera lang kay Jamilla dahil baka may sarili lang siyang opinyon. At ginagalang ko ‘yon). Hindi ba nila naisip na sa panahon ngayon hindi na uso ang “conservatism” at ang “in” ngayon ay ang “practicality?” Pano kung walang lakas ng loob ang lalaking gusto ng isang babae na sabihin sa kanya ang nararamdaman ng torpeng ‘yon? Edi wala na? Game’s Over? Then pareho nyong pagiisipan sa buong buhay nyo ang mga “what ifs and if onlys” na ‘yan (damn! It kills me!). Ang bottom line lang, bakit kailangang gawing palaging komplikado ang mga bagay na pwede namang bigyan ng simpleng solusyon? Siguro dala na rin ng simpleng ideya ng pagiging “komplikado.” Mas complicated, mas challenging. At pag may challenge, masarap ang feeling ng pagkapanalo. Kahit na sa pagkapanalo, alam mong sa bandang huli, hindi ka naman masaya sa resulta ng naging laban mo. Dahil alam mo, kahit panalo ka, talo ka pa rin! Dahil hindi mo pa rin nakuha kung ano talaga ang gusto mo! (Ouch! Nakatapak ako ng thumbtacks!).

Post a Comment