Nitong mga nagdaang araw, pakiramdam ko, bawat pangyayari sa buhay ko, parang may soundtrack na tumutugtog sa background. Pakiramdam ko nasa isang kahon ako na ang tawag ay telebisyon at pinapanood ako ng sangkatutak na tao. Siguro kung ang buhay ko ay isang TV show, malamang highest rating ‘to. Walang sinabi ang Grey’s Anatomy at ang Pangako sa ‘yo at malamang ilagay ako sa primetime slot pagkatapos ng Deal or No Deal. Sa totoo lang kumpleto eh, may comedy, action, drama, sex, violence, fantasy, at iba pang category (blood and gore).
Siguro dala na marahil ng panunuod ko ng mga TV series na gawa ng mga Kano kaya parang ganito ang pakiramdam ko. Nakakatawang isipin na may isang pangyayari na nagbasa ako ng isang e-mail na hindi masyadong naging maganda ang nilalaman para sa akin, saktong nakikinig ako sa i-pod ko nun at tumutugtog ang kantang “come around” ni rhet miller. O sige, para hindi ka na mag-isip, some kind of a “basted” letter ang e-mail na yun kaya habang binabasa ko yun, kumakanta si rhet sa background: “Am I gonna be lonely for the rest of my life, I’m gonna be lonely for the rest of my life, unless you come around.” Wow! Swak sa moment! Magaling ang director ng buhay na ‘to! Everything is in the right tempo!
Minsan naman ay nasa isang ordinary akong bus ako, and the hell! Tayuan as usual. Pero may isang manong na talagang nakalimot atang maglagay ng deodorant ng araw na ‘yon o sadyang hindi niya na talaga kailangan ng deodorant dahil hindi na rin ito tumatalab sa kanya. Natatandaan ko kung sinong kumakanta at ano ang kanta non, Si Top Suzara: “Sabihin mo na, Kung anong gusto mo, kahit ano’y gagawin para lang sa’yo.” Sa pakakataong ‘yon, gusto ko nang sabihin kay manong na “Utang na loob po! Bumaba na kayo at hindi ko na po matiis!” Dahil sabi nga ni Top, kahit ano gagawin para lang sa’yo. Pero minabuti ko na lang manahmik at magtiis kaysa magkaroon pa ng eksena sa bus at maging highest rating episode pa sa series ko ang araw na ‘yon.
Pero kung papipiliin rin lang ako ng theme song ng series na ‘to, yung: “Somewhere Only We Know” by Keane ang malamang na maging swak. “I'm getting old and I need something to rely on So tell me when you're gonna let me in I'm getting tired and I need somewhere to begin.” Damn this life…

Post a Comment