Mahal ko na si Sitti. Ibang klase talaga. Ngayon lang ako naadik sa isang singer ng ganto (huwag kayong mag-alala, obsessed pa lang naman ako, hindi pa ko stalker). Una kong narinig ang tungkol kay Sitti ay sa kaibigan ko na nahilig rin sa pag-kanta nya. Nung mga panahong yon, masyado akong naging abala sa bago kong trabaho at wala akong panahon para malaman kung anu-ano ang mga bago sa radio. Sinabi nya lang sakin na bakit hindi ko subukang maghanap ng kopya ng cd nya. Nung napakinggan ko, nung una medyo kakaiba para sa pandinig. Although pamilyar na ko sa tunog-bossa dahil kina Sergio Mendes at Astrud Gilberto. Nakakaantok. Pero hindi ko na lang napapansin na unti-unti na pala akong nabibighani sa boses nitong babaeng ‘to. Simula non hindi ko na mapigilang pakinggan lagi. Tang ina. Para akong nasa langit kapag naririnig ko ang boses! Nung tinignan ko sa record bar, nakita ko na yun ang no.1 sa best selling na OPM album. Medyo nagtaka pa ko dahil walang masyadong promotion akong naririnig o nababasa.
Nang isang bes, may nagyayaya sa akin sa Eastwood para manood ng album launching ng Kami nAPO muna. Tutal naman medyo matagal na panahon na rin akong hindi nakakanood ng concert, minabuti ko na ring sumama. Nauna ako dun sa lugar. Nakita ko sa isang malaking poster na sa parehong araw at oras, gaganapin din ang concert ni Sitti sa kanilang ibayo ng Eastwood. Napag-isip ako. Niyaya ko ang isang kasama para tignan lang saglit kung paano magperform si Sitti. Tandang-tanda ko yon. Unang beses kong mapanood si Sitti na magperform. Berimbao ni Astrud Gilberto. Shit! Love at first sight. Every moment is a solemn moment. Mas konti ang tao pero makikita mo na ang mga nanonood eh yung mga nasa upper class. Mas maganda si Sitti sa personal. Hanep! Kakaiba! Hinatid ko muna yung kasama ko pabalik sa mga kasama nya at napagdesisyonan na mas pipiliin ko si Sitti kaysa sa sangkatutak na mga banda na nagpe-perform nun sa kabila. Napanood ko na rin naman ng ilang beses yung mga banda na yon. Si Sitti first time. Isa lang masasabi ko, hindi ako nagkamali sa desisyon na yon. The next week, nanonood ulit ako ng concert niya sa Greenbelt.
First time ko siya makausap at mahawakan ang kamay. Kalapit-table lang naming si Heart at nanunuod din ng concert nung mga panahon na yon pero wala akong pakialam. Si Sitti at si Sitti lang ang pinuntahan ko! Tang ina! Ang lambot ng kamay. Naalala ko nung nagjoke pa sya nung kausap ko sya (with matching hawak ng kamay). “See that girl over there? Oh, actually she’s gay. See that gay over there? hahaha” Shit! Lalo akong na-inlove dahil sa tawa nya. Haaaayyy! Siyempre papalagpasin ko ba naman ang pagkakataon para sa isang Photo-op! Medyo minalas lang kami ng konti at wala kaming dalang digicam kaya cellphone lang na naka-night mode ang gamit namin. Pero ok lang. Wala akong pakialam! Basta importante sakin non ay ang tatlong bagay. Nakausap ko siya, nahawakan ang kamay, at narinig kung paano sya tumawa. Shit! Ay tink aym in lab!

Post a Comment