Meron ba sa inyo ang nakakaalam ng contact number ni Puma Lay-ar? Yun ay kung meron lang naman. Kokontakin ko lang yung babaeng anemic na palaging nagsasabi ng title ng blog kong ‘to at manghihiram lang ako ng time space warp.
Malas talaga ako pag dating sa mga cellphone. Itinadhana na ata sa akin ‘tong Nokia 3310 na gamit ko ngayon. Yung unang unang Nokia 3310 (nung unang inilabas sa market), nahulog sa FX taxi. Medyo natagalan akong walang cellphone nun at nag-uwi ang tatay ko ng Nokia na hindi ko na matandaan yung model. Basta yung unang inilabas ng nokia na walang antenna. Next yung Nokia 8_ _ _ na hindi ko na matandaan ang number. Titanium casing na pang-mayaman lang nung mga panahon na yon (wala kang pakialam kung magyabang ako!), nahulog naman sa bus habang pauwi ako. Napilitan akong bumili ng second hand na 3310 (na ginagamit ko ngayon) para lang magka-connect ako sa sibilisasyon. Nagkaroon ako ng trabaho at sa palagay ko ay dapat ko nang palitan ang 3310 ko dahil medyo palyado na nga. Bumili ako ng Motorola SLVR L7. Makaraan ang isang buwan nasira yung phone dahil sa katangahan at pinagawa ko sa service center. Inabot ng kulang kulang isang buwan at kalahati bago kami nagkasamang muli ng phone na yon. Nakarating na yon ng Singapore samantalang ako hanggang Ilocos Norte lang. Minalas ako at nahulog na naman sa kung saan ang teleponong yon. Wala pang isang taon, Kakabili ko lang ng headset (dahil nawala ko rin yung unang headset, nahulog sa kung saan) at ng extrang micro SD. P*tang ina! Nangyari ‘to matapos ang kulang-kulang na isang linggo matapos na magkaroon ng flashflood sa lugar namin at isang linggo bago ko maibenta ang cellphone para makabili sana ng bagong unit.
Kanina lang may nag-YM! naman sakin, nagtatanong tungkol sa lovelife. Ano ba namang klaseng tanong yan. Hindi ako yung tipo ng taong tinatanong ng mga ganyang tanong. Nag-aaksaya lang siya ng pagod sa pagta-type ng tanong na yon. Sinagot ko na rin, mukhang naghihintay eh. Sabi ko na lang: “nothing, just work” sabay palit ng topic. Asar!
May bago akong boss. Briton. May alam naman ako sa inglisan kung pag-susulatin mo lang ako. Dahil sa ganong uri ng komunikasyon, may panahon pa ako mag-isip ng mga killer words na pwedeng makapagpa-impress sayo. Pero pag dating sa pakikipag-usap, wala na. Yari na ko! Kahit mukha naman siyang mabait, hirap pa rin akong makipag-usap sa kanya. Kulang na ‘ko sa mani (yung kinakain para tumalino, hindi yung iniisip mo). Isa pang nahihirapan akong mag-adjust ay gusto nyang tawagin ko siya by his first name. Hindi pa naman ako sanay sa ganoong set-up. Parang pakiramdam ko papaluin ako sa pwet ng teacher ko nung elementary sa subject na GMRC or much worse, baka paghubarin ako ni mam ng short sa harap ng klase. Tapos….. Ay! P*tang Ina naman o! Nagka-virus pa tong PC ko sa office. Wow! Hanep. Nasan ba yung blade ko! Maglalaslas na lang ako ng pulso!

hmm.. kawawa ka naman parang sa iyo ata ako nagmana ahh.. malas din ako pagdating sa cp.. ala.. nabasa ko lang ang makahindik balahibong article mo.. actually nagreresearch ako para sa epekto ng pagteteks sa tao.. naku.. cge.. pake mo ba at sinasabi ko pa ito sayo.. bb!
Post a Comment