Salamat sa aking bagong katungkulan sa aking pinagtatrabahuhan, nararamdaman ko na naman ang pagka-walang-silbi. Bad trip! Sa katulad kong ubod ng sipag, hindi ako makatiis at hindi ako mapakali na wala akong ginagawa. May bago akong “Art Teacher” at “Photography Mentor,” at sa totoo lang ay hidni ako natutuwa sa mga nangyayari sa kasalukuyan kong trabaho. Nakakahiya man sa lisensya ko pero wala akong magagawa.
Tagpo: Sa opisina…
Mga Karakter: Ako, at Siya…
Siya: (umupo sa puwesto niya na kung saan ay kitang-kita ko siya habang nakatalikod sakin.)
Ako: (tahimik lang at kunwari ay walang nakikita.)
(sabay tugtog ng kantang “Oo” ng Up Dharma Down)
Ako (sa isip): Sakto ah.
Sa totoo lang gusto kong laksan ng maigi ang speakers ng laptop na gamit ko, nung mga oras na yon upang maisaksak sa kukote nya na para sa kanya ang kantang yon. Umpisa pa lang swak na swak na.
“di mo lang alam, naiisip kita, baka sakali lang maisip mo ako…”
Lalo na pagdating ng koro…
“di mo lang alam, ako’y iyong nasaktan, o baka sakali lang maisip mo naman, hindi mo lang alam kay tagal ng panahon, ako’y nandirito pa rin hanggang ngayon, para sa’yo”
Leche! Anung klase ba naman ‘tong buhay na ‘to? Aborido ka na sa trabaho, araw-araw mo pang nakikita yung taong ayaw mo muna sanang makita para naman makalimot ka kahit papano. Nasa iisang opisina kayo, nasa iisang departamento, nasa iisang grupo, “Tang inang parusa to o!” Kahit pinili mo na lang na hindi na lang siya pansinin para lang makalimutan sya kahit papano, parang wala pa ring epekto. Mas lalo mo ka lang nasasabik na lapitan at kausapin siya. Mas lalo ka lang nasasabik sa pagsama sa kanya. Lalo mo lang pagsisisihan kung ano ang naging desisyon mo.
“kung ikaw at ako ay tunay na bigo, sa laro na ito, ay dapat bang sumuko, sana’y di ka na lang pala aking nakilala, kung alam ko lang ako’y iyong masasaktan ng ganito, sana’y nakinig na lang ako sa nanay ko.”
Kung siguro ay dating kinakaya-kaya ko pa ang sitwasyon, yun siguro ay dahil mayroong trabaho na kinasusub-suban. Pero dahil hindi ako ngayon isang manggagawa kundi isang “art student,” wala akong magawa kundi magpaalipin sa damdaming ‘to…
Utang na loob! Patayin niyo na ko!!!
Post a Comment