Sino bang napakatalinong kompositor ang sumulat ng kantang KABET? Unang-una, bakit kailangang palitan ang spelling? Naisip ko tuloy, hindi kaya naalarma yung mga manang ng Education sector dahil sa pagkakabago ng spelling nito na maaaring i-adopt ng mga kabataan sa elementarya? Sa pagiisip ng kasalukuyang sitwasyon, mas lalo akong naalarma ng maalala kong mga kabataan nga ang target market ng naturang kanta. Maaaring ang mga kasalukuyang henerasyon ng magulang ay wala lang sa kanila kung marinig nila ang kanilang mga supling na inaawit ang Kabet, ngunit kung ako? Maaaring maging ganito ang sitwasyon…
Anak: Kay sakit naman na isipin na sa puso mo akoy pangalawa sa tuwing makikita kitang kasama sya pinipikit ko aking mga mata
Ako: SON! GO TO YOUR ROOM AND PACK YOUR THINGS! I WILL PUT YOU IN AN ASYLUM!
Isa pang maaaring masamang dulot nito ay ang pakikipagaway ng mga bata sa kanilang guro sa paaralan. Paano na lang kung may eksamin at nagkataon na ang sagot sa isa sa mga tanong ay KABIT? Dahil nga sa naturang pagkakalulong ng mga bata sa naturang awitin, maaaring isagot nila ang KABET.
Anak: Mam, bakit mali po yung answer namin sa no. 12? E tama naman po yun ah!
Guro: Iho, wrong spelling, wrong!
Anak: Anung mali? Sira ulo ka pala mam e! C’mon gangstas! Let’s kill this bitch!
Bukod sa maling spelling, kinokondena ko rin ang kantang ito dahil ipinapasok nito sa murang pag-iisip ng mga bata ang hindi magandang meaning ng salitang kabit…or kabet for that matter. Maaaring alam lang ng mga bata na ang salitang kabit ay may kaparehang meaning sa “dugtong” o di kaya sa ingles ay “connect.” Pero salamat sa paliwanag ng kantang ito sa naturang salita…
Anak: Dad! Kapag pumatol ba ko sa may asawa kabit ba ang tawag sakin?
Ako: Anak, hindi! Ang ibig sabihin ng kabet… ahhh ehhh… Isang bagong uri ng pagkain yan!
Sa kahihinatnan,naging sinungaling pa ako ngayon sa mata ng anak ko.
*nakakatawa dahil habang sinusulat ko ang blog na ‘to ay nag-ring ang cellphone ng katabi ko na nasa around 50++ na siguro ang edad… ata ang ringtone… “Crank that” ni soulja boy...
Watch Me Crank Dat Soulja Boy, That Super Man Dat (OH!)
Post a Comment