Masyado kong stressed na hindi naman ako stressed. Masyado akong deprived na hindi naman ako deprived. Pakiramdam ko lahat ng problema na sa akin na pero wala naman. Mukha lang akong masaya pero hindi pa rin. Ang labo. Alam kong may kulang pero hindi ko malaman kung ano ang nawawala. Pumapasok lang ako sa trabaho upang manatili akong “may trabaho.” Kahit anung pilit ko na alisin sa utak ko ang kawlan ng hustisya sa mundong ginagalawan ko, pilit pa rin itong bumabalik at pinapalasap sa akin ang kawalan ng pagkakapantay-pantay sa buhay. Hindi ko na alam kung ano ang tama. Hindi ko alam kung mayroon pa bang tama. Ayoko na... Tapusin na natin 'to.