Nakikita kaya ng mga magulang ng mga batang artista ang mga ginagawa nilang maagang lampungan sa isang pananghaliang palabas sa TV? Ito na rin ang dahilan kaya hindi na ako nagtataka kung may mga kabataang maagang nag-aasawa at lalo na ang maagang nabubuntis.
Sa parehong palabas ko rin napanood ang Kitty Girls. Kakagising ko lang noon at ng pagbukas ko ng TV, Tadaaa! Sila agad ang bumungad sa kin. Hindi pa ako nakakapag-hilamos nun at may muta-muta pa ko sa mata. Pero nang mapanood ko sila, aba! Parang tumakbo ako ng milya-milya sa pagkagising na naramdaman ko. Isa lang ang naramdaman ko nang makita ko ang mga “halos hubad” na mga babaeng ito, gumawa ng kamunduhan… este… patayin ang TV.
Mas lalo kong ginustong patayin ang TV nang mapanood ko ang palabas na Jollytown. Bakit nga ba panay ang inglisan ng mga mascot ng isa sa naturingang maka-pinoy na restaurant dito sa pinas? Akala ko nga call-center simulation ang narinig ko. Mga mascot lang pala ng Jollibee. Malulupit ang slang ng mga naturang mascot. Lalo na si Jollibee. Nanliit tuloy ako sa sarili ko at bigla kong na-miss ang Batibot. Minsan na lang magkaroon ng pambatang pinoy children’s show, westernized pa. Pakiramdam ko tuloy ang mga batang kasama nila sa palabas na kung saan ay inglisan din ng inglisan ay mga trainees for call center. Ganun na nga ba ang gustong mangyari ng lahat ngayon? Nakikita ko nang nagngingitngit sa galit si Jose Rizal sa mga producers at mga artista ng naturang palabas...
Post a Comment